Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG AKLAT NI MORONI
Ang ikalawang liham ni Mormon sa kanyang anak na si Moroni.
Binubuo ng kabanata 9.
KABANATA 9
Kapwa ang mga Nephita at ang mga Lamanita ay nagpakabuhong at nagpakasama—Kanilang pinahirapan at pinaslang ang isa’t isa—Nanalangin si Mormon na ang biyaya at kabutihan ay mapasa kay Moroni magpakailanman. Mga A.D. 401–421.
  1 Minamahal kong anak, ako ay muling sumusulat sa iyo upang malaman mo na ako ay buhay pa; ngunit ang bahagyang maisusulat ko ay yaong kahambal-hambal.
  2 Sapagkat masdan, ako ay nagkaroon ng matinding pakikipaglaban sa mga Lamanita, kung saan kami ay hindi nagwagi; at si Arkianto ay bumagsak sa pamamagitan ng espada, at gayon din si Luram at Emron; oo, at nawalan tayo ng malaking bilang ng mga piling tauhan.
  3 At ngayon masdan, anak ko, natatakot ako na baka malipol ng mga Lamanita ang mga taong ito; sapagkat hindi sila nagsisisi, at si Satanas ay patuloy na pinupukaw sila na magalit sa isa’t isa.
  4 Masdan, ako ay patuloy na nagpagal kasama nila; at kapag aking sinasabi ang salita ng Diyos nang may akataliman sila ay nanginginig at nagagalit sa akin; at kapag hindi ako gumagamit ng kataliman ay pinatitigas nila ang kanilang mga puso laban dito; kaya nga, ako ay natatakot na baka ang Espiritu ng Panginoon ay tumigil na ng bpamamatnubay sa kanila.
  5 Sapagkat labis kung sila ay magalit na sa pakiwari ko ay para bang hindi na sila natatakot sa kamatayan; at nawala na ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa; at sila ay patuloy na anauuhaw sa dugo at paghihiganti.
  6 At ngayon, minamahal kong anak, sa kabila ng kanilang pagmamatigas, tayo ay amasigasig na magpagal; sapagkat kung tayo ay titigil sa bpagpapagal, tayo ay madadala sa ilalim ng sumpa; sapagkat tayo ay may gawaing nararapat gampanan habang nasa katawang-lupa, upang ating magapi ang kaaway ng lahat ng kabutihan, at ipahinga ang ating mga kaluluwa sa kaharian ng Diyos.
  7 At ngayon, ako ay susulat kahit paano hinggil sa mga pagdurusa ng mga taong ito. Sapagkat ayon sa kaalamang aking natanggap mula kay Amoron, masdan, ang mga Lamanita ay maraming bihag, na kanilang nadakip mula sa tore ng Serisa; at may mga lalaki, babae, at bata.
  8 At ang mga asawa at ama ng mga babae at batang yaon ay pinatay nila; at kanilang ipinakain sa mga babae ang laman ng kanilang mga asawa, at sa mga bata ang laman ng kanilang mga ama; at walang tubig, maliban sa kakaunti lamang, ang kanilang ibinibigay sa kanila.
  9 At sa kabila nitong karumal-dumal na gawain ng mga Lamanita, hindi ito hihigit sa ating mga tao sa Moriantum. Sapagkat masdan, marami sa anak na babae ng mga Lamanita ang nadala nilang bihag; at matapos na alisan sila ng pinakamahal at pinakamahalaga sa ibabaw ng lahat ng bagay, kung alin ay apuri at bkarangalan
  10 At matapos magawa nila ang bagay na ito, kanilang pinagpapatay sila sa isang napakalupit na pamamaraan, pinahihirapan ang kanilang mga katawan maging hanggang sa kamatayan; at matapos na magawa nila ito, nilalamon nila ang kanilang mga laman tulad ng mababangis na hayop, dahil sa katigasan ng kanilang mga puso; at ginagawa nila ito bilang tanda ng katapangan.
  11 O minamahal kong anak, paanong ang mga taong tulad nito na walang kabihasnan—
  12 (At ilang taon lamang ang nakalipas at sila ay maaayos at mga nakalulugod na tao.)
  13 Ngunit O aking anak, paanong ang mga taong tulad nito na ang kaluguran ay nasa labis na karumal-dumal na gawain—
  14 Paano tayo makaaasang apipigilin ng Diyos ang kanyang kamay sa paghatol laban sa atin?
  15 Masdan, ang aking puso ay sumisigaw: Sa aba sa mga taong ito. Lumabas sa paghatol, O Diyos, at itago ang kanilang mga kasalanan, at kasamaan, at karumal-dumal na gawain mula sa inyong harapan!
  16 At muli, anak ko, maraming abalo at kanilang mga anak na babae ang naiwan sa Serisa; at ang bahagi ng pagkain na hindi dinala ng mga Lamanita, masdan, ang hukbo ni Zenephi ay dinala ito, at pinabayaan silang gumala kahit saan upang makakita ng pagkain; at marami sa matatandang babae ang nanghihina sa daan at namamatay.
  17 At ang hukbong aking kasama ay nanghihina; at ang mga hukbo ng mga Lamanita ay nasa pagitan ko at ng Serisa; at kasindami ng tumakas sa hukbo ni aAaron ay bumagsak na mga biktima sa kanilang kakila-kilabot na kalupitan.
  18 O ang kabuhungan ng aking mga tao! Sila ay walang patakaran at walang awa. Masdan, ako ay isang tao lamang, at ako ay may lakas lamang ng isang tao, at hindi ko na kayang ipatupad pa ang aking mga utos.
  19 At sila ay naging malakas sa kanilang kabuktutan; at sila ay pawang malulupit, walang pinaliligtas, ni matanda o bata; at sila ay nalulugod sa lahat ng bagay maliban doon sa mabuti; at ang pagdurusa ng ating kababaihan at ating mga anak sa ibabaw ng buong lupaing ito ay nakahihigit sa lahat ng bagay; oo, hindi kayang sabihin ng dila ni kayang isulat iyon.
  20 At ngayon, anak ko, hindi ko na tatalakayin pa ang kakila-kilabot na tanawing ito. Masdan, nalalaman mo ang kasamaan ng mga taong ito; nalalaman mo na sila ay walang simulain at mga manhid; at ang kanilang kasamaan ay anakahihigit doon sa mga Lamanita.
  21 Masdan, anak ko, hindi ko sila maaaring itagubilin sa Diyos, baka ako ay parusahan niya.
  22 Ngunit masdan, anak ko, itinatagubilin kita sa Diyos, at ako ay nagtitiwala kay Cristo na ikaw ay maliligtas; at ako ay dumadalangin sa Diyos na ailigtas ang iyong buhay, upang saksihan ang pagbabalik ng kanyang mga tao sa kanya, o ang kanilang ganap na pagkalipol; sapagkat nalalaman ko na sila ay tiyak na masasawi maliban kung sila ay bmagsisisi at magbabalik sa kanya.
  23 At kung sila ay masasawi, iyon ay magiging katulad ng mga Jaredita, dahil sa katigasan ng kanilang mga puso, na anaghahangad ng dugo at bpaghihiganti.
  24 At kung mangyayari na sila ay masasawi, nalalaman natin na marami sa ating mga kapatid ang aumanib sa mga Lamanita, at marami pa ang aanib sa kanila; samakatwid, sumulat ka kahit paano ng kaunting bagay, kung ikaw ay maliligtas at ako ay masasawi at hindi ka makikita; ngunit ako ay nagtitiwalang makikita rin kita kaagad; sapagkat mayroon akong mga banal na talaan na aking bibibigay sa iyo.
  25 Anak ko, maging matapat kay Cristo; at nawa ay huwag makapagpadalamhati sa iyo ang mga bagay na aking isinulat, na makapagpapabigat sa iyo tungo sa kamatayan; kundi nawa ay dakilain ka ni Cristo, at nawa ang kanyang apagdurusa at kamatayan, at ang pagpapakita ng kanyang katawan sa ating mga ama, at ang kanyang awa at mahabang pagtitiis, at ang pag-asa ng kanyang kaluwalhatian at ng bbuhay na walang hanggan, ay mamalagi sa iyong cisipan magpakailanman.
  26 At nawa ang biyaya ng Diyos Ama, na ang trono ay mataas sa kalangitan, at ng ating Panginoong Jesucristo, na nakaluklok sa akanang kamay ng kanyang kapangyarihan, hanggang sa ang lahat ng bagay ay mapasakop sa kanya, ay manatiling kasama mo magpakailanman. Amen.