Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print     Susunod >
ANG AKLAT NI MORMON
KABANATA 6
  1 At ngayon, tatapusin ko ang aking talaan hinggil sa apagkalipol ng aking mga tao, ang mga Nephita. At ito ay nangyari na, na kami ay humayo sa harapan ng mga Lamanita.

Mga Talababa
1a
1 Ne. 12:19.
  19 At habang sinasabi ng anghel ang mga salitang ito, namasdan ko at nakita na ang mga binhi ng aking mga kapatid ay nakipaglaban sa aking mga binhi, alinsunod sa salita ng anghel; at dahil sa kapalaluan ng aking mga binhi, at sa mga atukso ng diyablo, namasdan kong bnadaig ng mga binhi ng aking mga kapatid ang mga tao ng aking mga binhi.
Jar. 1:10.
  10 At ito ay nangyari na, na binigyang-babala ng mga propeta ng Panginoon ang mga tao ni Nephi, alinsunod sa salita ng Diyos, na kung hindi nila susundin ang mga kautusan, bagkus ay mahuhulog sa paglabag, na kinakailangan silang alipulin mula sa ibabaw ng lupain.
Alma 45:9–14.
  9 Subalit masdan, ako ay may aipopropesiya sa iyo; subalit ang ipopropesiya ko ay hindi mo ipaaalam; oo, kung ano ang ipopropesiya ko sa iyo ay hindi mo ipaaalam, maging hanggang sa ang propesiya ay matupad; kaya nga, isulat mo ang mga salitang sasabihin ko.
Hel. 13:5–11.
  5 At kanyang sinabi sa kanila: Masdan, ako, si Samuel, na isang Lamanita, ay nagsasabi ng mga salita ng Panginoon na inilalagay niya sa aking puso; at masdan, kanyang inilagay sa aking puso na sabihin sa mga taong ito na ang aespada ng katarungan ay nakaumang sa ulunan ng mga taong ito; at apat na raang taon ay hindi lilipas at ang espada ng katarungan ay babagsak sa mga taong ito.