Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG AKLAT NI MORMON
KABANATA 5
  14 At masdan, ang mga ito ay hahayo sa kawalang-paniniwala ng mga aJudio; at sa layuning ito kung kaya’t hahayo ang mga ito—upang bmapaniwala sila na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng buhay na Diyos; upang maisagawa ng Ama, sa pamamagitan ng kanyang Pinakamamahal, ang kanyang dakila at walang hanggang layunin, sa pagpapanumbalik sa mga Judio, o ng buong sambahayan ni Israel, sa lupaing kanilang mana, na ibinigay sa kanila ng Panginoon nilang Diyos, tungo sa katuparan ng kanyang ctipan;

Mga Talababa
14a
2 Ne. 29:13.
  13 At ito ay mangyayari na ang mga aJudio ay magkakaroon ng mga salita ng mga Nephita, at ang mga Nephita ay magkakaroon ng mga salita ng mga Judio; at ang mga Nephita at ang mga Judio ay magkakaroon ng mga salita ng mga bnawalang lipi ni Israel; at ang mga nawalang lipi ni Israel ay magkakaroon ng mga salita ng mga Nephita at ng mga Judio.
2 Ne. 30:7–8.
  7 At ito ay mangyayari na ang mga aJudio na nakakalat ay bmagsisimula ring maniwala kay Cristo; at magsisimula silang magtipon sa ibabaw ng lupain; at kasindami ng maniniwala kay Cristo gayon din ay magiging mga kaaya-ayang tao.
b
2 Ne. 25:16–17.
  16 At matapos silang ikalat, at matapos silang pahirapan ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ng mga ibang bansa sa loob ng maraming salinlahi, oo, maging sa bawat sali’t salinlahi hanggang sa sila ay mahikayat na amaniwala kay Cristo, ang Anak ng Diyos, at sa pagbabayad-sala, na walang hanggan para sa buong sangkatauhan—at kapag dumating ang araw na yaon na maniniwala sila kay Cristo, at sasambahin ang Ama sa kanyang pangalan, nang may pusong dalisay at malilinis na kamay, at hindi na maghihintay pa ng ibang Mesiyas, doon, sa oras na yaon, darating ang araw na talagang kinakailangang maniwala sila sa mga bagay na ito.
c
3 Ne. 29:1–3.
  1 At ngayon, masdan, sinasabi ko sa inyo na kung kailan mamarapatin ng Panginoon, sa kanyang karunungan, na ang mga salitang ito ay amaipahayag sa mga Gentil alinsunod sa kanyang salita, doon ninyo malalaman na ang btipang ginawa ng Ama sa mga anak ni Israel, hinggil sa kanilang pagbabalik sa mga lupaing kanilang mana, ay nagsisimula nang matupad.