ANG AKLAT NI MORMON
KABANATA 4
Ang digmaan at pagkatay ay nagpatuloy—Pinarurusahan ng masasama ang masasama—Higit na kasamaan ang namayani nang higit pa kaysa noon sa buong Israel—Ang mga babae at bata ay inialay sa mga diyus-diyusan—Nagsimulang ubusin ng mga Lamanita ang mga Nephita. Mga A.D. 363–375.
1
At ngayon ito ay nangyari na, na sa ikatatlong daan at animnapu at tatlong taon, ang hukbo ng mga Nephita ay umahon upang makidigma sa mga Lamanita, sa labas ng lupain ng Kapanglawan.
2
At ito ay nangyari na, na ang hukbo ng mga Nephita ay muling naitaboy pabalik sa lupain ng Kapanglawan. At habang sila ay pagod pa, isang bagong hukbo ng mga Lamanita ang sumalakay sa kanila; at nagkaroon sila ng masidhing labanan, kung kaya nga’t nasakop ng mga Lamanita ang lunsod ng Kapanglawan, at napatay ang marami sa mga Nephita, at marami ang mga nadalang bihag.
3
At ang mga nalabi ay tumakas at sumama sa mga nananahanan sa lunsod ng Tiankum. Ngayon, ang lunsod ng Tiankum ay nasa mga hangganan sa may dalampasigan; at iyon ay malapit din sa lunsod ng Kapanglawan.
4
At
adahil ang mga hukbo ng mga Nephita ang humayo sa mga Lamanita kung kaya’t sila ay nagsimulang parusahan; sapagkat kung hindi dahil doon, hindi sana magkakaroon ng kapangyarihan ang mga Lamanita sa kanila.
5
Ngunit masdan, ang mga kahatulan ng Diyos ay aabot sa masasama; at sa pamamagitan ng masasama na ang masasama ay
apinarurusahan; sapagkat yaong masasama ang pumupukaw sa mga puso ng mga anak ng tao sa pagpapadanak ng dugo.
6
At ito ay nangyari na, na ang mga Lamanita ay nagsagawa ng mga paghahanda sa pagsalakay laban sa lunsod ng Tiankum.
7
At ito ay nangyari na, na sa ikatatlong daan at animnapu at apat na taon, ang mga Lamanita ay sumalakay laban sa lunsod ng Tiankum, upang kanila ring masakop ang lunsod ng Tiankum.
8
At ito ay nangyari na, na sila ay napaurong at naitaboy pabalik ng mga Nephita. At nang makita ng mga Nephita na kanilang naitaboy ang mga Lamanita, sila ay muling nagmalaki sa kanilang sariling lakas; at sila ay sumalakay sa kanilang sariling lakas, at muling nabawi nila ang lunsod ng Kapanglawan.
9
At ngayon, ang lahat ng bagay na ito ay nangyari, at mayroon ng libu-libong napatay sa magkabilang panig, kapwa sa mga Nephita at sa mga Lamanita.
10
At ito ay nangyari na, na ang ikatatlong daan at animnapu at anim na taon ay lumipas, at muling sumalakay ang mga Lamanita sa mga Nephita upang makidigma; gayon man ang mga Nephita ay hindi nagsipagsisi sa kasamaang kanilang nagawa, kundi patuloy na nagpumilit sa kanilang kasamaan.
11
At hindi maaaring mailarawan ng dila, o maisulat ng isang tao ang ganap na larawan ng kasindak-sindak na tanawin ng dugo at pagkatay na nasa mga tao, kapwa sa mga Nephita at sa mga Lamanita; at ang bawat puso ay tumigas, kung kaya’t sila ay patuloy na nalugod sa pagpapadanak ng dugo.
12
At hindi kailanman nagkaroon ng gayon kalaking
akasamaan sa lahat ng anak ni Lehi, ni maging sa buong sambahayan ni Israel, ayon sa mga salita ng Panginoon, na katulad ng nasa mga taong ito.
13
At ito ay nangyari na, na nakuha ng mga Lamanita ang lunsod ng Kapanglawan, at ito ay dahil sa ang kanilang
abilang ay higit pa sa bilang ng mga Nephita.
14
At sila rin ay sumalakay laban sa lunsod ng Tiankum, at itinaboy palabas ang mga nananahanan doon, at maraming dinalang bihag na kapwa mga babae at bata, at inialay sila bilang mga hain sa kanilang mga
adiyus-diyusan.
15
At ito ay nangyari na, na sa ikatatlong daan at animnapu at pitong taon, ang mga Nephita na nagagalit sapagkat ang mga Lamanita ay inialay ang kanilang kababaihan at ang kanilang mga anak, kung kaya’t sila ay sumalakay laban sa mga Lamanita sa matinding galit, hanggang sa muli nilang nagapi ang mga Lamanita, at naitaboy silang palabas ng kanilang mga lupain.
16
At ang mga Lamanita ay hindi na muling sumalakay pa sa mga Nephita hanggang sa ikatatlong daan at pitumpu at limang taon.
17
At sa taong ito, sila ay muling sumalakay sa mga Nephita nang buo nilang lakas, at hindi sila mabilang dahil sa kalakihan ng kanilang bilang.
18
At
amagmula sa panahong ito, ang mga Nephita ay hindi na nagkaroon pa ng kapangyarihan laban sa mga Lamanita, kundi nagsimulang mapalis nila maging katulad ng hamog sa harapan ng araw.
19
At ito ay nangyari na, na ang mga Lamanita ay sumalakay sa lunsod ng Kapanglawan; at nagkaroon ng lubhang masidhing labanan sa lupain ng Kapanglawan; kung saan kanilang nagapi ang mga Nephita.
20
At muli silang tumakas mula sa kanilang harapan, at sila ay nakarating sa lunsod ng Boaz; at doon sila humarap nang buong katapangan laban sa mga Lamanita, kung kaya’t hindi sila nagapi ng mga Lamanita hanggang sa muli silang sumalakay sa ikalawang pagkakataon.
21
At nang sila ay sumalakay sa ikalawang pagkakataon, ang mga Nephita ay naitaboy at napatay sa isang lubhang malupit na pagkatay; ang kanilang kababaihan at kanilang mga anak ay muling inialay sa mga diyus-diyusan.
22
At ito ay nangyari na, na ang mga Nephita ay muling tumakas mula sa kanilang harapan, kasama ang lahat ng nanahanan, kapwa sa mga bayan at nayon.
23
At ngayon ako, si Mormon, nakikitang malapit nang maibagsak ng mga Lamanita ang lupain, kaya nga, ako ay nagtungo sa burol ng
aShim, at kinuha ang lahat ng talaang ikinubli ni Amaron ayon sa Panginoon.