Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan
JOSEPH SMITH—KASAYSAYAN
MGA HANGO MULA SA KASAYSAYAN NI JOSEPH SMITH, ANG PROPETA
* Inilarawan ni Oliver Cowdery ang mga pangyayari nang ganito: “Ang mga araw na ito ay hindi maaaring malimutan—ang maupo sa ilalim ng tinig na dinidiktahan ng inspirasyon sa langit, pinukaw ng isang sukdulang pasasalamat ang pusong ito! Sa araw-araw ako ay nagpatuloy, nang walang umaabala, na magsulat mula sa kanyang bibig, habang isinasalin niya sa pamamagitan ng Urim at Tummim, o gaya ng sinasabi ng mga Nephita, ‘Mga Tagasalin,’ ang kasaysayan o talaang tinatawag na ‘Ang Aklat ni Mormon.’
“Ang bigyang-pansin, maging sa ilang salita, ang kawili-wiling ulat na ibinigay ni Mormon at ng kanyang matapat na anak, na si Moroni, na tungkol sa isang pangkat ng mga tao na minsan ay minahal at pinagpala ng langit, ay makalalabis sa aking balakin sa ngayon; kaya nga ipagpapaliban ko muna ito sa darating na panahon, at gaya ng aking nabanggit sa pambungad, higit na tatalakay sa ilang pangyayari na tuwirang nag-uugnay sa simula ng Simbahang ito, na maaaring maging kawili-wili sa ilang libong nagsilapit, sa gitna ng hindi pagsang-ayon ng mga bulag na tagasunod at paninirang-puri ng mga mapagkunwari, at tinanggap ang Ebanghelyo ni Cristo.
“Walang sinuman, sa kanilang mahinahong pag-iisip, ang makapagsasalin at makapagsusulat ng mga tagubilin na ibinigay sa mga Nephita mula sa bibig ng Tagapagligtas, sa wastong pamamaraan kung paano itatayo ng tao ang Kanyang Simbahan, at lalung-lalo na’t ang katiwalian ay nagpalaganap ng pag-aalinlangan sa lahat ng kaayusan at mga pamamaraang isinasagawa sa tao, nang hindi maghahangad ng pribilehiyong maipakita ang kahandaan ng puso sa pamamagitan ng paglilibing sa likidong libingan, upang makasagot ng may ‘malinis na budhi sa pamamagitan ng pagkabuhay na mag-uli ni Jesucristo.’
“Matapos isulat ang ulat na ibinigay hinggil sa ministeryo ng Tagapagligtas sa labi ng mga binhi ni Jacob, sa lupalop na ito, madaling makita, gaya ng sinabi ng propeta, na ang kadiliman ay bumalot sa mundo at labis na kadiliman sa mga isipan ng tao. Sa pagbubulay-bulay pa ay napakadaling makita na sa gitna ng labis na sigalutan at ingay hinggil sa relihiyon, walang may karapatan mula sa Diyos upang isagawa ang mga ordenansa ng Ebanghelyo. Sapagkat maaaring itanong, ang tao ba ay may karapatang gumawa sa pangalan ni Cristo, na nagtatatwa ng mga paghahayag, samantalang ang kanyang patotoo ay wala nang iba kundi ang diwa ng propesiya, at ang Kanyang relihiyon ay nakabatay, nakatayo, at itinataguyod sa pamamagitan ng kaagad na paghahayag, sa lahat ng kapanahunan ng daigdig nang Siya ay nagkaroon ng mga tao sa mundo? Kung ang mga katotohanang ito ay nailibing, at maingat na itinago ng mga tao na ang mga katusuhan ay maaaring magdulot ng panganib kung mapahihintulutang magliwanag kahit minsan sa mga mukha ng tao, ang mga ito ay hindi sa atin; at maghihintay lamang tayo ng kautusang ibibigay ‘Magsipagbangon at magpabinyag.’
“Ito ay hindi matagal na hinangad bago naganap. Ang Panginoon na sagana sa awa, at sa tuwina’y nakahandang sumagot sa walang tigil na panalangin ng mapagpakumbaba, matapos kaming manawagan sa kanya sa mataimtim na paraan, maliban sa mga tinitirahan ng mga tao, ay nagpakababa upang ipaalam sa amin ang kanyang kalooban. Nang bigla, tila baga mula sa gitna ng kawalang-hanggan, ang tinig ng Manunubos ay nangusap ng kapayapaan sa amin, habang ang tabing ay nahawi at ang anghel ng Diyos ay bumaba na nadaramitan ng kaluwalhatian, at inihatid ang pinakahihintay na mensahe, at ang mga susi ng Ebanghelyo ng pagsisisi. Anong ligaya! anong kababalaghan! anong panggigilalas! Habang ang daigdig ay pinahirapan at nagkakagulo—habang ang milyun-milyon ay nangangapa tulad ng bulag na naghahanap ng pader, at habang ang lahat ng tao ay nakasandig sa kawalang-katiyakan, na pangkalahatan, namalas ng aming mga mata, narinig ng aming mga tainga, tulad ng ‘sikat ng araw’; oo, higit pa—sa ibabaw ng kislap ng sinag ng araw ng Mayo, na nagsabog ng kanyang kaningningan sa mukha ng kalikasan! Nang panahong iyon ang kanyang tinig, bagaman malumanay, ay tumagos sa kaibuturan, at ang kanyang mga salita, ‘Ako ay inyong kapwa tagapaglingkod,’ ay pumawi sa lahat ng takot. Kami ay nakinig, kami ay tumitig, kami ay humanga! Ito ay tinig ng isang anghel mula sa kaluwalhatian, ito ay isang mensahe mula sa Kataas-taasan! At nang aming marinig kami ay nagsaya, habang ang Kanyang pag-ibig ay pumupukaw sa aming mga kaluluwa, at kami ay nabalot sa pangitain ng Pinakamakapangyarihan! Mayroon pa bang puwang sa pag-aalinlangan? Wala na; kawalang-katiyakan ay naglaho, ang pag-aalinlangan ay lumubog upang hindi na muling lumitaw, habang ang kathang-isip at panlilinlang ay naglaho magpakailanman!
“Subalit, mahal kong kapatid, mag-isip, saglit na mag-isip pa, anong ligaya ang pumuspos sa aming mga puso, at sa pagkabigla kami ay napaluhod, (sapagkat sino ba ang hindi luluhod sa gayong pagbabasbas?) Nang aming matanggap sa ilalim ng kanyang kamay ang Banal na Pagkasaserdote tulad ng kanyang sinabi, ‘Sa inyo aking mga kapwa tagapaglingkod, sa pangalan ng Mesiyas, aking iginagawad ang Pagkasaserdoteng ito at karapatang ito, na mananatili sa lupa, upang ang mga Anak na Lalaki ni Levi ay maaari muling mag-alay ng isang handog sa Panginoon sa kabutihan!’
“Hindi ko tatangkaing ilarawan sa iyo ang damdamin ng pusong ito, ni ang dakilang kagandahan at kaluwalhatiang pumalibot sa amin sa pagkakataong ito; subalit paniniwalaan ninyo ako kung aking sasabihin, na ang mundo, ni mga tao man, sa kagalingan ng panahon, ay hindi masisimulang madamitan ang wika ng kasing kaakit-akit at kahanga-hangang pamamaraan gaya ng banal na katauhang ito. Wala; ni ang mundong ito ay may kapangyarihang magbigay ng kaligayahan, magkaloob ng kapayapaan, o maunawaan ang karunungan na nakapaloob sa bawat pangungusap habang ang mga ito ay inihahatid sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu! Maaaring malinlang ng tao ang kanyang kapwa, ang panlilinlang ay maaaring sundan ng panlilinlang, at ang mga anak ng masasama ay maaaring magkaroon ng kapangyarihang akitin ang hangal at ang hindi naturuan, hanggang sa mapawalang-saysay subalit ang bungang-isip ang nagpapakain sa marami, at natatangay ng bunga ng kabulaanan sa kanyang agos ang salawahan tungo sa libingan; subalit isang haplos ng daliri ng kanyang pagmamahal, oo, isang sinag ng kaluwalhatian mula sa itaas ng daigdig, o isang salita mula sa bibig ng Tagapagligtas, mula sa sinapupunan ng kawalang-hanggan, maipalalagay ang lahat ng ito sa kawalang-saysay, at binubura ito magpakailanman mula sa isipan. Ang katiyakan na kami ay nasa harapan ng isang anghel, ang katiyakan na narinig namin ang tinig ni Jesus, at ang katotohanang walang dungis habang ito ay dumadaloy mula sa isang dalisay na katauhan, idinidikta ng kalooban ng Diyos, para sa akin ay hindi mailalarawan, at ako kailanman ay tatanaw sa pagpapahiwatig na ito ng kabutihan ng Tagapagligtas nang may kamanghaan at pasasalamat habang ako ay pinahihintulutang mabuhay; at sa mga tahanang yaon kung saan nananahanan ang kaganapan at ang kasalanan ay hindi makapaparoon, umaasa ako na pakamamahalin sa araw na yaon na hindi magwawakas.”—Messenger and Advocate, tomo 1 (Oktubre, 1834), pp. 14–16.