JOSEPH SMITH—KASAYSAYAN
MGA HANGO MULA SA KASAYSAYAN NI JOSEPH SMITH, ANG PROPETA
59
Sa tinagal-tagal ay dumating ang panahon upang kunin ang mga lamina, ang Urim at Tummim, at ang baluti sa dibdib. Noong ikadalawampu’t dalawa ng Setyembre, isanlibo walong daan at dalawampu’t pito, matapos akong magtungo gaya ng nakaugalian sa katapusan ng isa pang taon sa pook na kinalalagakan ng mga yaon, ay ibinigay sa akin ang mga iyon ng nasabi ring makalangit na sugo, at nagtagubilin nang ganito: Na ako ang may pananagutan sa mga yaon; na kung ang mga ito’y mawawala dahil sa kawalang-ingat, o dahil sa aking , ako ay iwawaksi; subalit kung aking gagawin ang lahat ng pagsisikap upang ang mga ito ay bmaingatan, hanggang kunin niya, ang sugo, ang mga ito, ito ay pangangalagaan.
Mga Talababa
|