JOSEPH SMITH—KASAYSAYAN
MGA HANGO MULA SA KASAYSAYAN NI JOSEPH SMITH, ANG PROPETA
45
Nagsimula siya, at isinalaysay niyang muli ang ganoon ding mga bagay na ginawa na niya noong una niyang pagdalaw, na walang anumang pagkakaiba; at pagkatapos noon, ipinaalam niya sa akin ang dakilang paghuhukom na darating sa lupa, na may malaking kalagiman sa pamamagitan ng taggutom, espada, at salot; at ang kalunus-lunos na paghuhukom na ito ay darating sa lupa sa kasalukuyang salinlahi. Matapos isalaysay ang mga bagay na ito, muli siyang pumaitaas kagaya nang ginawa niya noong una.
Mga Talababa
Walang mga talababa.
|