Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ANG AKLAT NI HELAMAN
KABANATA 4
  12 At dahil ito sa akapalaluan ng kanilang mga puso, dahil sa labis na bkayamanan nila, oo, dahil ito sa kanilang pang-aapi sa mga cmaralita, ipinagkakait ang kanilang pagkain sa mga nagugutom, ipinagkakait ang kanilang mga kasuotan sa mga hubad, at sinasampal sa pisngi ang kanilang mga mapagpakumbabang kapatid, kinukutya ang yaong banal, itinatatwa ang diwa ng propesiya at ng paghahayag, pumapaslang, nandarambong, nagsisinungaling, nagnanakaw, nakikiapid, nagpapasimula sa malalaking alitan, at tumitiwalag patungo sa lupain ng Nephi, sa mga Lamanita—

Mga Talababa
12a
Obad. 1:3–4.
D at T 101:42.
  42 Siya na adumadakila sa kanyang sarili ay ibababa, at siya na bnagbababa sa kanyang sarili ay dadakilain.
b
1 Tim. 6:17.
2 Ne. 9:42.
  42 At ang sinumang kakatok, siya ay kanyang pagbubuksan; at ang amatatalino, at ang marurunong, at silang mayayaman, na bnagmamataas dahil sa kanilang pinag-aralan, at kanilang karunungan, at kanilang mga kayamanan—oo, sila yaong kanyang kinasusuklaman; at maliban kung kanilang iwawaksi ang mga bagay na ito, at ituturing na mga changal ang kanilang sarili sa harapan ng Diyos, at bumaba sa kailaliman ng dpagpapakumbaba, hindi niya sila pagbubuksan.
c
D at T 42:30–31.
  30 At masdan, inyong alalahanin ang mga amaralita, at bmaglaan ng inyong mga ari-arian para sa kanilang cpanustos na inyong kinakailangang ibigay sa kanila, kalakip ang isang tipan at isang kasulatan na hindi maaaring labagin.