Pagkaraang palayasin sina Adan at Eva sa Halamanan ng Eden, ibinigay sa kanila ng Panginoon ang batas ng paghahain. Sinasaklaw ng batas na ito ang paghahandog ng mga panganay ng kanilang mga kawan. Sumasagisag ang paghahaing ito sa sakripisyong gagawin ng Bugtong na Anak ng Diyos (
Moi. 5:4–8). Nagpatuloy ang kaugaliang ito hanggang sa pagkamatay ni Jesucristo, na nagwakas sa paghahain ng hayop bilang isang ordenansa ng ebanghelyo (
Alma 34:13–14). Sa Simbahan ngayon, ang mga kasapi ay bumabahagi ng sakramento ng tinapay at tubig bilang paggunita sa pagsasakripisyo ni Jesucristo. Hinihingi rin sa mga kasapi ng Simbahan ni Cristo ngayon ang paghahain ng isang bagbag na puso at isang nagsisising espiritu (
3 Ne. 9:19–22). Ang ibig sabihin nito, sila ay nagpapakumbaba, nagsisisi, at handang sumunod sa mga kautusan ng Diyos.
Tinalian ni Abraham si Isaac na kanyang anak at inilagay sa ibabaw ng dambana, Gen. 22:1–18 (Jac. 4:5). Inyong ihahain ang inyong mga handog na susunugin, Ex. 20:24. Ang mga hayop na ihahain ay nararapat na walang kapintasan, Deut. 15:19–21. Ang pagsunod ay maigi kaysa hain, 1 Sam. 15:22. Ang umibig ay higit pa kaysa lahat ng handog na susunugin at mga hain, Mar. 12:32–33. Tayo’y ginagawang banal sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo, Heb. 10:10–14. Inihandog ni Cristo ang kanyang sarili na isang hain para sa kasalanan,
2 Ne. 2:6–7. Ang dakila at huling hain ay ang Anak ng Diyos, oo, walang katapusan at walang hanggan,
Alma 34:8–14. Huwag nang maghain ng handog na susunugin; isang bagbag na puso at nagsisising espiritu ang ihain sa Diyos,
3 Ne. 9:19–20 (Awit 51:16–17;
D at T 59:8). Ngayon ay araw ng paghahain,
D at T 64:23 (
D at T 97:12). Lahat ng handang tuparin ang kanilang mga tipan sa pamamagitan ng paghahain ay tinatanggap ng Panginoon,
D at T 97:8. Nakita ni Joseph F. Smith ang mga espiritu ng mga matwid, na naghandog ng mga hain na kahalintulad ng pagsasakripisyo ng Tagapagligtas,
D at T 138:13. Ang pagtubos ay dumating sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng Anak ng Diyos sa krus,
D at T 138:35.