Ang suriin ang pag-uugali kaugnay ng mga alituntunin ng ebanghelyo; upang magpasiya; upang malaman ang mabuti sa masama.
Si Moises ay umupo upang hatulan ang mga tao, Ex. 18:13. Sa katwiran hatulan ninyo ang inyong kapwa, Lev. 19:15. Huwag manghatol nang hindi kayo hatulan, Mat. 7:1 (PJS, Mat. 7:1–2; Lu. 6:37;
3 Ne. 14:1). Kasindami ng nagkasala sa ilalim ng batas ay sa batas din hahatulan, Rom. 2:12. Hahatulan ng mga banal ang sanlibutan, 1 Cor. 6:2–3. Ang Anak ng Diyos na walang hanggan ay hinatulan ng sanlibutan,
1 Ne. 11:32. Ang Labindalawang Apostol ng Kordero ang mga yaong hahatol sa labindalawang lipi ni Israel,
1 Ne. 12:9 (
D at T 29:12). Ang kamatayan, impiyerno, ang diyablo at lahat ng yaong nahawakan niyon ay tiyak na hahatulan,
2 Ne. 28:23 (
1 Ne. 15:33). Kung hahatulan ninyo ang taong humihingi sa inyo ng inyong kabuhayan, gaano higit na makatarungan ang inyong kahatulan dahil sa pagkakait ninyo ng inyong kabuhayan,
Mos. 4:22. Ang mga tao ay nararapat na hatulan alinsunod sa kanilang mga gawa,
Alma 41:3. Humatol nang makatwiran, at ang katarungan ay manunumbalik sa iyong muli,
Alma 41:14. Mula sa mga aklat na isusulat ay hahatulan ang sanlibutan,
3 Ne. 27:23–26 (Apoc. 20:12). Ang labi ng mga taong ito ay hahatulan ng labindalawang pinili ni Jesus sa lupaing ito,
Morm. 3:18–20. Ipinaliwanag ni Mormon ang paraan ng paghatol ng mabuti sa masama,
Moro. 7:14–18. Magtiwala ka sa Espiritung yaon na nag-aakay sa paghatol nang matwid,
D at T 11:12. Nararapat ninyong sabihin sa inyong mga puso—ang Diyos ang hahatol sa akin at sa iyo,
D at T 64:11. Ang Simbahan ng Panginoon ang maghuhukom sa mga bansa,
D at T 64:37–38. Dinalaw ng Anak ang mga espiritu sa bilangguan upang sila ay mahatulan alinsunod sa mga tao sa laman,
D at T 76:73 (1 Ped. 4:6). Ang obispo ay magiging pangkalahatang hukom,
D at T 107:72–74. Ang Panginoon ang hahatol sa lahat ng tao alinsunod sa kanilang mga gawa, alinsunod sa pagnanais ng kanilang mga puso,
D at T 137:9.