Ang mga ikinikilos ng isang tao, mabuti man o masama. Ang bawat tao ay hahatulan alinsunod sa sarili niyang mga gawa.
Gagantihan ng Panginoon ang bawat tao alinsunod sa kanyang mga gawa, Kaw. 24:12. Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw nang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, Mat. 5:16 (
3 Ne. 12:16). Siya na gumagawa sa kalooban ng aking Ama ay makapapasok sa kaharian ng langit, Mat. 7:21. Ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay, Sant. 2:14–26. Sila ay kailangang hatulan sa kanilang mga gawa,
1 Ne. 15:32 (Mos.
3:24). Nalalaman naming naligtas tayo sa pamamagitan ng biyaya, sa kabila ng lahat ng ating magagawa,
2 Ne. 25:23. Turuan silang kailanma’y huwag manghinawa sa mabubuting gawa,
Alma 37:34. Hinihingi na ang tao ay nararapat hatulan alinsunod sa kanilang mga gawa,
Alma 41:3. Sa pamamagitan ng kanilang mga gawa ay inyo silang makikilala,
Moro. 7:5 (
D at T 18:38). Ako, ang Panginoon, ay hahatulan ang lahat ng tao alinsunod sa kanilang mga gawa,
D at T 137:9.