Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Gentil, Mga
Sa pagkakagamit sa mga banal na kasulatan, may ilang kahulugan ang mga Gentil. Tumutukoy ito minsan sa mga taong hindi kabilang sa angkan ng mga Israelita, minsan mga taong hindi kabilang sa angkan ng mga Judio, at minsan mga bayang walang ebanghelyo, kahit na maaaring may dugong Israelita sa mga tao. Itong huling pagkakagamit ay katangian ng salitang ginamit sa Aklat ni Mormon at sa Doktrina at mga Tipan.
Ang mga Israelita ay di dapat magpakasal sa mga hindi Israelita (mga Gentil), Deut. 7:1–3. Paparito ang Panginoon upang maging isang tanglaw ng mga Gentil, Is. 42:6. Inutusan si Pedro na dalhin ang ebanghelyo sa mga Gentil, Gawa 10:9–48. Ipinagkaloob din ng Diyos ang pagsisisi sa mga Gentil, Gawa 11:18. Bininyagan tayo sa iisang simbahan, maging tayo ay mga Judio o Gentil, 1 Cor. 12:13. Ang mga Gentil ay nararapat maging kasamang tagapagmana kay Cristo sa pamamagitan ng ebanghelyo, Ef. 3:6. Isinulat ang Aklat ni Mormon para sa mga Gentil, Unang pahina sa Aklat ni Mormon (Morm. 3:17). Isang lalaki sa mga Gentil ang humayo sa mga tubig, 1 Ne. 13:12. Iba pang mga aklat ang manggagaling mula sa mga Gentil, 1 Ne. 13:39. Ang kabuuan ng ebanghelyo ay darating sa mga Gentil, 1 Ne. 15:13 (3 Ne. 16:7; D at T 20:19). Ang lupang ito ay magiging isang lupain ng kalayaan sa mga Gentil, 2 Ne. 10:11. Ang mga Gentil ay isang kahalintulad ng isang ligaw na punong olibo, Jac. 5. Darating ang ebanghelyo sa panahon ng mga Gentil, D at T 45:28 (D at T 19:27). Maihahayag ang salita hanggang sa mga dulo ng mundo, una sa mga Gentil, at pagkatapos sa mga Judio, D at T 90:8–10. Ang Pitumpu ang magiging mga tanging saksi sa mga Gentil, D at T 107:25. Isugo ang mga elder ng aking simbahan upang manawagan sa lahat ng bansa, una sa mga Gentil, at pagkatapos sa mga Judio, D at T 133:8.