Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Panalangin
Tingnan din sa Amen; Humingi; Pagbulay-bulay; Pagsamba
Isang mapitagang pakikipag-usap sa Diyos kung saan ang isang tao ay nagbibigay-pasasalamat at humihiling ng mga pagpapala. Ipinararating ang mga panalangin sa ating Ama sa Langit sa pangalan ni Jesucristo. Ang mga panalangin ay maaaring sambitin nang malakas o tahimik. Maaari ring maging isang panalangin ang mga pag-iisip ng isang tao kung ang mga ito ay itinutuon sa Diyos. Ang isang awit ng mabubuti ay maaaring maging isang panalangin sa Diyos (D at T 25:12).
Ang pakay ng panalangin ay hindi upang baguhin ang kalooban ng Diyos, kundi upang maisiguro sa ating sarili at sa iba ang mga pagpapala na nais ng Diyos na ipagkaloob, ngunit kinakailangan nating hilingin upang matanggap.
Nananalangin tayo sa Ama sa pangalan ni Cristo (Juan 14:13–14; 16:23–24). Totoong kaya nating manalangin sa pangalan ni Cristo kung ang ating mga nais ay mga naisin ni Cristo (Juan 15:7; D at T 46:30). Tayo ay hihiling ng mga bagay na tama at sa gayon ay maaari para sa Diyos na ipagkaloob (3 Ne. 18:20). Ang ibang mga panalangin ay nananatiling hindi tinutugon sa dahilang hindi nila kinakatawan ang kalooban ni Cristo kundi sa halip ay bumubukal mula sa kasakiman ng tao (Sant. 4:3; D at T 46:9). Tunay nga, kung tayo ay hihiling sa Diyos ng mga di mabubuting bagay, ito ay babalik sa ating kahatulan (D at T 88:65).
Sa gayon nagsimula ang tao na manawagan sa pangalan ng Panginoon, Gen. 4:26. Sa lugar ng dambana, si Abraham ay nanawagan sa pangalan ng Panginoon, Gen. 13:4. Ang tagapagsilbi ni Abraham ay nanalangin ng tulong sa paghahanap ng isang asawa para kay Isaac, Gen. 24:10–19. Huwag nawang ipahintulot ng Diyos na ako ay magkasala laban sa Panginoon sa paglilikat ng pananalangin para sa inyo, 1 Sam. 12:23. Dinidinig ng Panginoon ang panalangin ng mabubuti, Kaw. 15:29. Ako ay inyong matatagpuan, kung ako ay inyong hahanapin ng inyong buong puso, Jer. 29:12–13. Idalangin ninyo ang sa inyo ay nagsisiusig, Mat. 5:44 (Lu. 6:28; 3 Ne. 12:44). Manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, Mat. 6:5–8 (3 Ne. 13:5–8). Magsidalangin nga kayo ng ganito, Mat. 6:9–13 (Lu. 11:2; 3 Ne. 13:9). Humingi, at kayo ay bibigyan, Mat. 7:7 (3 Ne. 14:7; D at T 4:7; 6:5; 66:9). Si Jesus ay umakyat sa bundok nang bukod upang manalangin, Mat. 14:23. Magsipagbantay at manalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso, Mat. 26:41 (Mar. 14:38; 3 Ne. 18:15–18; D at T 31:12). Humingi siya nang may pananampalataya, na walang pag-aalinlangan, Sant. 1:5–6 (D at T 42:68; 46:7). Malaki ang nagagawa ng taimtim na panalangin ng taong matwid, Sant. 5:16. Makinig sa Espiritu na nagtuturo sa taong manalangin, 2 Ne. 32:8–9. Ako ay nagsumamo sa kanya sa taimtim na panalangin, Enos 1:4. Ako ay nag-ayuno at nanalangin ng maraming araw, Alma 5:45–46 (Alma 26:22). Itinuon nila ang kanilang sarili sa maraming panalangin, at pag-aayuno, Alma 17:3. Inyo bang natatandaan ang sinabi ni Zenos hinggil sa panalangin o pagsamba? Alma 33:3. Magpakumbaba kayo, at magpatuloy sa pagdalangin, Alma 34:18–27. Makipagsanggunian sa Panginoon sa lahat ng iyong mga gawain, Alma 37:37. Dapat kayong laging manalangin sa Ama sa aking pangalan, 3 Ne. 18:19–20. Manalangin sa inyong mga mag-anak, 3 Ne. 18:21. Si Jesus ay nanalangin sa Ama, 3 Ne. 19:31–34 (Juan 17; 3 Ne. 18:16). Iniutos niya sa kanila na huwag silang tumigil sa pananalangin sa kanilang mga puso, 3 Ne. 20:1. Kung siya ay mananalangin at walang tunay na layunin ng puso, ito ay walang kapakinabangan sa kanya, Moro. 7:6–9. Huwag hilingin yaong hindi mo dapat hilingin, D at T 8:10. Manalangin sa tuwina, nang kayo ay maging matagumpay, D at T 10:5. Iniuutos ko sa iyo na ikaw ay manalangin nang malakas gayon din sa iyong puso, D at T 19:28. Ang Espiritu ay ibibigay sa inyo sa pamamagitan ng panalangin nang may pananampalataya, D at T 42:14. Magtungo sa palanginan at ihandog ang inyong mga sakramento, D at T 59:9 (Mat. 21:13). Tuturuan ng mga magulang ang kanilang mga anak na manalangin, D at T 68:28. Ang Panginoon nilang Diyos ay mabagal sa pagdinig sa kanilang mga panalangin, D at T 101:7–8 (Mos. 21:15). Maging mapagpakumbaba ka; at ang Panginoon mong Diyos ay bibigyan ka ng kasagutan sa iyong mga panalangin, D at T 112:10. Si Adan ay inutusang manawagan sa Diyos sa pangalan ng Anak, Moi. 5:8. Ang Ama at Anak ay nagpakita kay Joseph Smith bilang tugon sa kanyang panalangin, JS—K 1:11–20.