Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Pagmamahal
Tingnan din sa Alitan; Pag-ibig sa Kapwa-tao
Malalim na pagmamalasakit at pagmamahal. Nasasaklaw ng pag-ibig sa Diyos ang pagmamalasakit, pagsamba, pitagan, pagkamagiliw, awa, pagpapatawad, pagkahabag, kaluwagang-loob, paglilingkod, pagtanaw ng utang na loob, kabaitan. Ang pinakadakilang halimbawa ng pag-ibig ng Diyos sa kanyang mga anak ay matatagpuan sa walang katapusang pagbabayad-sala ni Jesucristo.
Ibigin ninyo ang inyong kapwa na gaya ng sa inyong sarili, Lev. 19:18 (Mat. 5:43–44; 22:37–40; Rom. 13:9; Gal. 5:14; Sant. 2:8; Mos. 23:15; D at T 59:6). Iyong ibigin ang Panginoon mong Diyos ng iyong buong puso, Deut. 6:5 (Moro. 10:32; D at T 59:5). Sinusubok kayo ng Panginoon ninyong Diyos, upang malaman kung iniibig ninyo ang Panginoon ninyong Diyos, Deut. 13:3. Sinasaway ng Diyos ang kanyang iniibig, Kaw. 3:12. Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, Kaw. 17:17. Gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanlibutan, na ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, Juan 3:16 (D at T 138:3). Kayo ay mag-ibigan sa isa’t isa, na gaya ng pag-ibig ko sa inyo, Juan 13:34 (Juan 15:12, 17; Moi. 7:33). Kung ako’y inyong iniibig, ay sundin ninyo ang aking mga kautusan, Juan 14:15 (D at T 42:29). Walang may lalong dakilang pag-ibig kaysa rito, na ibigay ng isang tao ang kanyang buhay dahil sa kanyang mga kaibigan, Juan 15:13. Pedro, iniibig mo ba ako ng higit kaysa mga ito? Pakainin mo ang aking mga tupa, Juan 21:15–17. Walang maghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na na kay Cristo, Rom. 8:35–39. Hindi nakita ng mata ang mga bagay na inihanda ng Diyos sa kanila na nagmamahal sa kanya, 1 Cor. 2:9. Sa pamamagitan ng pag-ibig ay mangaglingkuran kayo, Gal. 5:13. Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, Ef. 5:25 (Col. 3:19). Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan, 1 Juan 2:15. Diyos ay pag-ibig, 1 Juan 4:8. Tayo’y nagsisiibig sa kanya, sapagkat siya’y unang umibig sa atin, 1 Juan 4:19. Magdurusa si Cristo dahil sa kanyang mapagkandiling pagmamahal sa mga tao, 1 Ne. 19:9. Magpatuloy sa paglakad nang may pag-ibig sa Diyos at sa lahat ng tao, 2 Ne. 31:20. Turuan ang inyong mga anak na mahalin ang isa’t isa at paglingkuran ang isa’t isa, Mos. 4:15. Kung inyo nang nadama ang umawit ng awit ng mapantubos na pag-ibig, nadarama ba ninyo ang gayon ngayon? Alma 5:26. Akayin ng Banal na Espiritu, magiging mapagtiis, puspos ng pag-ibig, Alma 13:28. Pigilin ang lahat ng iyong silakbo ng damdamin, upang mapuspos ka ng pagmamahal, Alma 38:12. Hindi nagkaroon ng alitan sa lupain, dahil sa pag-ibig sa Diyos na nananahan sa mga puso ng tao, 4 Ne. 1:15. Lahat ng bagay na nag-aanyayang ibigin ang Diyos ay pinapatnubayan ng Diyos, Moro. 7:13–16. Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo, Moro. 7:47. Ang ganap na pag-ibig ay nagwawaksi ng lahat ng takot, Moro. 8:16 (1 Juan 4:18). Pag-ibig ang nagbibigay-karapatan sa tao na gumawa sa gawain ng Diyos, D at T 4:5 (D at T 12:8). Ang pagpapabanal ay dumarating sa lahat ng yaong nagmamahal at naglilingkod sa Diyos, D at T 20:31. Kung mahal ninyo ako, paglingkuran ako at sundin ang aking mga kautusan, D at T 42:29 (Juan 14:15). Magpakita ng ibayong pagmamahal sa mga yaong inyong tinama o pinagsabihan, D at T 121:43. Inibig ng mga tao si Satanas kaysa Diyos, Moi. 5:13, 18, 28.