Ang maunawaan o malaman ang isang bagay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu. Ang kaloob na pagkilala ay isa sa mga kaloob ng Espiritu. Napapaloob dito ang pagkilala sa tunay na pag-uugali ng mga tao at ang pinagmulan at kahulugan ng mga espirituwal na pagpapatunay.
Ang tao ay tumitingin sa panlabas na anyo, ngunit ang Panginoon ay tumitingin sa puso, 1 Sam. 16:7. Sa aba nila na tinatawag na masama ang mabuti, Is. 5:20 (
2 Ne. 15:20). Nakikilala ang mga bagay ng Diyos ayon sa espiritu, 1 Cor. 2:14. Ibinibigay sa ilang tao ang kaloob na pagkilala sa mga espiritu, 1 Cor. 12:10. Nahihiwatigan ni Ammon ang kanyang mga iniisip,
Alma 18:18, 32. Tumimo ang tinig sa kanila na nakarinig,
3 Ne. 11:3. Upang hindi kayo malinlang, hanapin ang pinakamahusay na kaloob,
D at T 46:8, 23. Binigyan ng kapangyarihan ang mga pinuno ng Simbahan na makilala ang mga kaloob ng Espiritu,
D at T 46:27. Yaong katawan na puno ng liwanag ay nakauunawa sa lahat ng bagay,
D at T 88:67. Namalas ni Moises ang mundo, nawari ito sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos,
Moi. 1:27.