|
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Pablo
Isang Apostol sa Bagong Tipan. Ang pangalan sa Hebreo ni Pablo ay Saul, at nakilala siya sa pangalang yaon hanggang nagsimula siya ng kanyang pagmimisyon sa mga Gentil. Dati siyang nang-uusig sa Simbahan subalit siya ay nagbalik-loob sa katotohanan nito matapos niyang makita ang isang pangitain ni Jesucristo. Nagtungo si Pablo sa tatlong pangunahing pangmisyonerong paglalakbay at nagsulat ng maraming liham sa mga Banal. Labing-apat sa mga liham na ito ay bumubuo ng isang bahagi sa Bagong Tipan ngayon. Sa huli ay ibinilanggo siya sa Roma at pinatay, maaaring sa tagsibol ng A.D. 65.
Sumang-ayon sa pagbabato kay Esteban, Gawa 7:57–8:1. Pinag-usig ang mga Banal, Gawa 8:3. Naglalakbay patungong Damasco nang nagpakita sa kanya si Jesus, Gawa 9:1–9. Bininyagan ni Ananias, Gawa 9:10–18. Matapos umalis sa Arabia, ay bumalik sa Damasco upang mangaral, Gawa 9:19–25 (Gal. 1:17). Tatlong taon matapos ang kanyang pagbabalik-loob ay bumalik sa Jerusalem, Gawa 9:26–30 (Gal. 1:18–19). Pumunta sa tatlong pangmisyonerong paglalakbay, nangangaral ng ebanghelyo at nagtatatag ng mga sangay ng simbahan sa iba’t ibang bahagi ng Imperyo ng Roma, Gawa 13:1–14:26; 15:36–18:22; 18:23–21:15. Nang bumalik siya sa Jerusalem pagkatapos ng kanyang pangatlong misyon, siya ay dinakip at dinala sa Cesarea, Gawa 21:7–23:35. Nanatiling bilanggo sa Cesarea sa loob ng dalawang taon, Gawa 24:1–26:32. Dinala sa Roma para sa paglilitis at dumanas ng pagkasira ng barko sa daan, Gawa 27:1–28:11.
|