Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Pagkabuhay Na Mag-Uli
Ang muling pagsasama ng katawang espiritu at ng katawang may laman at mga buto pagkaraan ng kamatayan. Matapos ang pagkabuhay na mag-uli, ang espiritu at katawan ay hindi na muling maghihiwalay kailanman, at ang tao ay magiging walang kamatayan. Lahat ng taong isinilang sa mundo ay mabubuhay na mag-uli sapagkat nagtagumpay si Jesucristo sa kamatayan (1 Cor. 15:20–22).
Si Jesucristo ang kauna-unahang tao na nabuhay na mag-uli sa mundong ito (Gawa 26:23; Col. 1:18; Apoc. 1:5). Ang Bagong Tipan ay nagbibigay ng sapat na katunayan na si Jesus ay bumangon kasama ang kanyang katawan: walang laman ang kanyang libingan, kumain siya ng isda at pulot-pukyutan, may katawan siyang may laman at mga buto, hinipo siya ng mga tao, at ang mga anghel ay nagwikang siya ay bumangon (Mar. 16:1–6; Lu. 24:1–12, 36–43; Juan 20:1–18). Ang paghahayag sa huling araw ay nagpapatunay ng katotohanan ng pagkabuhay na mag-uli ni Cristo at ng buong sangkatauhan (Alma 11:40–45; 40; 3 Ne. 11:1–17; D at T 76; Moi. 7:62).
Ang lahat ng tao ay hindi mabubuhay na mag-uli sa magkakatulad na kaluwalhatian (1 Cor. 15:39–42; D at T 76:89–98), ni ang lahat ay mabubuhay na mag-uli nang sabay-sabay (1 Cor. 15:22–23; Alma 40:8; D at T 76:64–65, 85). Maraming Banal ang nabuhay na mag-uli pagkatapos ni Cristo (Mat. 27:52). Ang mabubuti ay mauunang mabubuhay na mag-uli sa masasama at babangon sa unang pagkabuhay na mag-uli (1 Tes. 4:16); ang mga makasalanang di nagsisisi ay babangon sa huling pagkabuhay na mag-uli (Apoc. 20:5–13; D at T 76:85).
Pagkatapos na magibang ganito ang aking balat, gayon ma’y makikita ko ang Diyos sa aking laman, Job 19:26 (Moi. 5:10). Aking bubuksan ang inyong mga libingan, at aking ibabangon kayo, Ez. 37:12. Nabuksan ang mga libingan, at maraming katawan ang bumangon, Mat. 27:52–53 (3 Ne. 23:9). Nagbangon ang Panginoon, Lu. 24:34. Ang isang espiritu ay walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin, Lu. 24:39. Ako ang pagkabuhay na mag-uli at ang buhay, Juan 11:25. Itinuro ng Labindalawang Apostol na si Jesus ay bumangon, Gawa 1:21–22 (Gawa 2:32; 3:15; 4:33). Kay Cristo ang lahat ay bubuhayin, 1 Cor. 15:1–22. Ang nangamatay kay Cristo ay unang mabubuhay na mag-uli, 1 Tes. 4:16. Mapalad at banal ang makasama sa unang pagkabuhay na mag-uli, Apoc. 20:6. Inialay ni Cristo ang kanyang buhay at binawi itong muli upang kanyang mapapangyari ang pagkabuhay na mag-uli ng mga patay, 2 Ne. 2:8 (Mos. 13:35; 15:20; Alma 33:22; 40:3; Hel. 14:15). Kung walang pagkabuhay na mag-uli, mapapasailalim tayo ni Satanas, 2 Ne. 9:6–9. Ang pagkabuhay na mag-uli ay magaganap sa lahat ng tao, 2 Ne. 9:22. Itinuro ni Abinadi ang tungkol sa unang pagkabuhay na mag-uli, Mos. 15:21–26. Mananatili ang masasama na parang walang pagtubos, maliban sa pagkakalag ng mga gapos ng kamatayan, Alma 11:41–45. Ipinaliwanag ni Alma ang kalagayan ng mga kaluluwa sa pagitan ng kamatayan at pagkabuhay na mag-uli, Alma 40:6, 11–24. Sa pagparito ng Panginoon, ang mga patay na nangamatay kay Cristo ay magsisibangon, D at T 29:13 (D at T 45:45–46; 88:97–98; 133:56). Tatangisan ninyo lalung-lalo na sa mga yaong walang pag-asa sa isang maluwalhating pagkabuhay na mag-uli, D at T 42:45. Sila na hindi nakaaalam sa batas ay makababahagi sa unang pagkabuhay na mag-uli, D at T 45:54. Sila ay babangon mula sa patay, at hindi na mamamatay pagkatapos, D at T 63:49. Ang pagkabuhay na mag-uli mula sa mga patay ay pagkatubos ng kaluluwa, D at T 88:14–16. Ang espiritu at elemento, hindi mapaghihiwalay ang kaugnayan, ay tatanggap ng ganap na kagalakan, D at T 93:33. Mga anghel na nabuhay na mag-uli ay may katawang laman at mga buto, D at T 129:1. Anumang katalinuhan ang ating matamo sa buhay na ito ay kasama nating babangon sa pagkabuhay na mag-uli, D at T 130:18–19.