Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Paghuhukom, Ang Huling
Ang huling paghuhukom na mangyayari matapos ang pagkabuhay na mag-uli. Ang Diyos, sa pamamagitan ni Jesucristo, ay hahatulan ang bawat tao upang malaman ang walang hanggang kaluwalhatian na kanyang matatanggap. Ang paghuhukom na ito ay mababatay sa pagsunod ng bawat tao sa mga kautusan ng Diyos, kabilang ang kanyang pagtanggap sa pagbabayad-salang hain ni Jesucristo.
Ipinagkaloob ng Ama sa Anak ang buong paghatol, Juan 5:22. Tayong lahat ay tatayo sa harapan ng hukumang-luklukan ni Cristo, Rom. 14:10. Ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat, Apoc. 20:12 (D at T 128:6–7). Sapagkat sa lahat ng inyong gawain kayo ay dadalhin sa paghahatol, 1 Ne. 10:20. Ang Labindalawang Apostol at ang labindalawang disipulong Nephita ang hahatol sa Israel, 1 Ne. 12:9 (D at T 29:12). Lahat ay haharap sa hukumang-luklukan ng Banal ng Israel, 2 Ne. 9:15. Ihanda ang inyong mga kaluluwa para sa maluwalhating araw, 2 Ne. 9:46. Naiisip ba ninyo ang inyong sarili sa harapan ng hukuman ng Diyos? Alma 5:17–25. Si Jesucristo ay tatayo upang hatulan ang sanlibutan, 3 Ne. 27:16. Ang Panginoon ay bababa na may sumpa sa paghatol sa mga makasalanan, D at T 133:2.