Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Pagbibigay-Katwiran, Pangatwiranan
Ang mapatawad mula sa kaparusahan sa kasalanan at maipahayag na walang sala. Ang isang tao ay nabibigyang-katwiran ng awa ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya. Ang pananampalatayang ito ay ipinakikita sa pamamagitan ng pagsisisi at pagsunod sa mga batas at ordenansa ng ebanghelyo. Ang pagbabayad-sala ni Jesucristo ay nagbibigay sa tao ng pagkakataong magsisi at mabigyang-katwiran o mapatawad mula sa mga kaparusahang kanila sanang matatanggap.
Sa Panginoon ay bibigyang-katwiran ang buong Israel, Is. 45:25. Hindi ang mga tagapakinig ng kautusan ang siyang mga ganap kundi ang mga nagsisitalima sa batas, Rom. 2:13. Ang tao ay bibigyang-katwiran sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, Rom. 5:1–2, 9. Kayo ay bibigyang-katwiran sa pangalan ng Panginoong Jesus, 1 Cor. 6:11. Sa pagbibigay-katwiran sa atin sa pamamagitan ng kanyang biyaya, ay maging tagapagmana tayo, Tit. 3:7. Hindi ba si Abraham na ating ama ay binigyang-katwiran sa pamamagitan ng gawa? Sant. 2:21. Sa pamamagitan ng gawa ang tao ay mabibigyang-katwiran at hindi lamang sa pananampalataya, Sant. 2:14–26. Sa pamamagitan ng batas walang laman ang makapagmamatwid, 2 Ne. 2:5. Mabibigyang-katwiran ng aking mabuting tagapaglingkod ang marami; sapagkat papasanin niya ang kanilang mga kasalanan, Mos. 14:11 (Is. 53:11). Masasabi ba ninyo na ang inyong mga kasuotan ay nalinis sa pamamagitan ni Cristo? Alma 5:27. Ang pagbibigay-katwiran sa pamamagitan ni Jesucristo ay totoo, D at T 20:30–31 (D at T 88:39). Sa pamamagitan ng Espiritu kayo ay bibigyang-katwiran, Moi. 6:60.