Ang kabuuan ng ebanghelyo ni Jesucristo, na binalangkas upang isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao. Lakip nito ang Paglikha, Pagkahulog, at Pagbabayad-sala, kasama ang lahat ng batas, ordenansa at doktrina na ibinigay ng Diyos. Pinapangyari ng plano na ito na ang lahat ng tao ay madakila at mabuhay na walang hanggan na kasama ng Diyos (
2 Ne. 2, 9). Tinutukoy rin ng mga banal na kasulatan ang plano na ito bilang plano ng kaligtasan, plano ng kaligayahan, at plano ng awa.
Siya ay nasugatan dahil sa ating mga paglabag, Is. 53:5 (Mos. 14:5). Walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas, Gawa 4:12. Kung paanong kay Adan ang lahat ay nangamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin, 1 Cor. 15:22. Sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, Ef. 2:8 (
2 Ne. 25:23). Ipinangako ng Diyos ang buhay na walang hanggan bago pa nagsimula ang mundo, Tit. 1:2. Si Jesus ang may-akda ng walang hanggang kaligtasan, Heb. 5:8–9. Ang plano ng pagtubos ay iginawad sa mga patay, 1 Ped. 3:18–20; 4:6 (
D at T 138). Tinutupad ng kamatayan ang maawaing plano ng dakilang Lumikha,
2 Ne. 9:6. Kaydakila ng plano ng ating Diyos!
2 Ne. 9:13. Pinapangyari ng plano ng pagtubos ang pagkabuhay na mag-uli at kapatawaran ng mga kasalanan,
Alma 12:25–34. Itinuro ni Aaron ang plano ng pagtubos sa ama ni Lamoni,
Alma 22:12–14. Ipinaliwanag ni Amulek ang plano ng kaligtasan,
Alma 34:8–16. Ipinaliwanag ni Alma ang plano ng kaligtasan,
Alma 42:5–26, 31. Ang mga doktrina ng paglikha, pagkahulog, pagbabayad-sala, at pagbibinyag ay pinatotohanan sa makabagong paghahayag,
D at T 20:17–29. Ang plano ay inorden bago pa ang daigdig,
D at T 128:22. Ang aking gawain at aking kaluwalhatian ay papangyarihin ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao,
Moi. 1:39. Ito ang plano ng kaligtasan sa lahat ng tao,
Moi. 6:52–62. Susubukin natin sila,
Abr. 3:22–26.