Mapagaling o mapabuting muli, kapwa sa pangangatawan at espirituwal. Naglalaman ang mga banal na kasulatan ng maraming halimbawa ng mga kahima-himalang pagpapagaling ng Panginoon at ng kanyang mga tagapaglingkod.
Ako ang Panginoon na nagpapagaling sa iyo, Ex. 15:26. Inilubog ni Naaman ang kanyang sarili sa Ilog ng Jordan ng pitong ulit at gumaling, 2 Hari 5:1–14. Sa kanyang mga latay tayo ay gumaling, Is. 53:5 (Mos. 14:3). Sisikat ang Araw ng kabanalan na may taglay na kagalingan sa kanyang mga pakpak, Mal. 4:2. Pinagaling ni Jesus ang lahat ng uri ng sakit, Mat. 4:23 (Mat. 9:35). Binigyan niya sila ng kapangyarihang pagalingin ang lahat ng uri ng sakit, Mat. 10:1. Sinugo niya ako upang pagalingin ang mga pusong sugatan, Lu. 4:18. Pinagaling sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kordero ng Diyos,
1 Ne. 11:31. Kung naniniwala ka sa pagtubos ni Cristo, gagaling ka,
Alma 15:8. Pinagaling niya ang bawat isa sa kanila,
3 Ne. 17:9. Siya na may pananampalataya sa akin na mapagaling ay mapagagaling,
D at T 42:48. Sa aking pangalan sila ay magpapagaling ng maysakit,
D at T 84:68. Naniniwala kami sa kaloob na pagpapagaling,
S ng P 1:7.