|
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Patriyarka, Patriyarkal
Ang mga banal na kasulatan ay bumabanggit ng dalawang uri ng patriyarka; (1) isang inordenang katungkulan sa Pagkasaserdoteng Melquisedec, na minsa’y tinatawag na ebanghelista; (2) ama ng mga mag-anak. Nagbibigay ang mga inordenang patriyarka ng mga natatanging pagbabasbas para sa mga karapat-dapat na kasapi ng Simbahan.
Mga inordenang Patriyarka: Pinagkalooban niya ang iba na maging propeta, ang iba’y mga mangangaral, Ef. 4:11 ( S ng P 1:6). Tungkulin ng Labindalawa ang mag-orden ng mga mangangaral ng ebanghelyo, D at T 107:39. Maaaring kunin ni Hyrum ang katungkulan ng pagkasaserdote at patriyarka, D at T 124:91–92, 124; 135:1.
Mga ama: Binasbasan ni Jacob ang kanyang mga anak at ang kanilang mga inapo, Gen. 49:11–28. Malayang magsasalita ako sa inyo tungkol sa patriyarkang si David, Gawa 2:29. Pinayuhan at binasbasan ni Lehi ang kanyang angkan, 2 Ne. 4:3–11. Ako ay naging karapat-dapat na tagapagmana, humahawak ng karapatang pag-aari ng mga ama, Abr. 1:2–4.
|