Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Patotoo
Tingnan din sa Espiritu Santo; Magpatotoo; Saksi
Kaalaman at isang espirituwal na patotoo na ibinigay ng Espiritu Santo. Maaari ring ang patotoo ay isang opisyal o legal na pahayag ng nadarama ng isang tao na totoo (D at T 102:26).
Alam ko na ang aking Manunubos ay buhay, Job 19:25–26. Huwag ikahiya ang pagpapatotoo sa ating Panginoon, 2 Tim. 1:8. Ang patotoo ni Jesus ay diwa ng propesiya, Apoc. 19:10. Tumayo bilang mga saksi ng Diyos, sa lahat ng panahon, Mos. 18:9. Walang ibang paraan upang mabawi ang mga tao maliban sa pagpapatotoo ng dalisay na patotoo laban sa kanila, Alma 4:19–20. Taglay ko ang lahat ng bagay bilang patotoo na ang mga bagay na ito ay totoo, Alma 30:41–44. Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya, Eter 12:6. Hindi nga ba’t ako ay nangusap ng kapayapaan sa iyong isipan? Ano pang mas higit na katibayan ang iyong matatamo kundi ang mula sa Diyos? D at T 6:22–23. At ngayon, matapos ang maraming patotoo na ibinigay hinggil sa kanya, ito ang patotoo na aming ibinibigay tungkol sa kanya, D at T 76:22–24. Isinugo ko kayo upang magpatotoo at balaan ang mga tao, D at T 88:81–82. Ang mga saksi ay patay na ngayon at ang kanilang patotoo ay may bisa, D at T 135:4–5. Namalas ni Enos ang mga anghel na nagpapatotoo sa Ama at Anak, Moi. 7:27. Bagama’t kinamuhian ako at inusig dahil sa pagsasabi na nakakita ako ng pangitain, gayon pa man ito ay totoo, JS—K 1:24–25.