Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Enoc
Tingnan din sa Sion
Isang propetang namuno sa mga tao ng lunsod ng Sion. Kapwa tinalakay sa Lumang Tipan at sa Mahalagang Perlas ang kanyang paglilingkod. Siya ang ikapitong patriyarka pagkatapos ni Adan. Siya ay anak ni Jared at ang ama ni Matusalem (Gen. 5:18–24; Lu. 3:37).
Si Enoc ay isang taong dakila at marami pang mahahalagang paglilingkod ang nagawa kaysa sa maikling ulat ng Biblia hinggil sa kanya. Nakatala sa Biblia na siya ay nagbagong-kalagayan (Heb. 11:5) subalit hindi nagbigay ng mga detalye sa kanyang paglilingkod. Naglalaman ang Judas 1:14 ng isang sipi ng isang propesiyang kanyang ginawa. Higit pang ipinaliliwanag ng paghahayag sa huling araw ang tungkol kay Enoc, lalung-lalo na ang tungkol sa kanyang pangangaral, ang kanyang lunsod na tinawag na Sion, ang kanyang mga pangitain, at ang kanyang mga propesiya (D at T 107:48–57; Moi. 6–7). Dinala sa langit ang Sion dahil sa kabutihan ng mga yaong naninirahan dito (Moi. 7:69).
Ipinakita ng Diyos ang kanyang sarili kay Enoc, Moi. 6:26–37. Itinuro ni Enoc ang ebanghelyo, Moi. 6:37–68. Tinuruan ni Enoc ang mga tao at nagtatag ng Sion, Moi. 7:1–21. Nakita ni Enoc ang darating na mga panahon kabilang ang ikalawang pagparito ni Cristo, Moi. 7:23–68.