Ang landas o daang sinusundan ng isang tao. Sinabi ni Jesus na siya ang daan (Juan 14:4–6).
Sundin ang mga kautusan ng Panginoon na lumakad sa kanyang mga landas, Deut. 8:6. Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, Kaw. 22:6 (
2 Ne. 4:5). Sinabi ng Panginoon na ang kanyang mga lakad ay hindi natin mga lakad, Is. 55:8–9. Makitid ang pintuan at makipot ang daan patungo sa buhay, Apoc. 7:13–14 (
3 Ne. 14:13–14;
27:33;
D at T 132:22, 25). Ang Diyos ay gagawa ng paraan para sa inyo upang matakasan ang tukso, 1 Cor. 10:13. Hindi nagbibigay ng kautusan ang Panginoon na hindi siya naghahanda ng paraan upang makasunod ang kanyang mga anak,
1 Ne. 3:7 (
1 Ne. 9:6;
17:3, 13). Walang ibang daan maliban sa ito ay sa pamamagitan ng pasukan,
2 Ne. 9:41. Kayo ay malayang makakikilos para sa inyong sarili—ang piliin ang daan ng walang hanggang kamatayan o ang daan ng buhay na walang hanggan,
2 Ne. 10:23. Ito ang daan at walang ibang daan ni pangalan,
2 Ne. 31:21 (Mos.
3:17;
Alma 38:9;
Hel. 5:9). Sa paghahandog ng Anak, ang Diyos ay naghanda ng higit na mabuting paraan,
Eter 12:11 (1 Cor. 12:31). Bawat tao ay lumalakad sa sarili niyang paraan,
D at T 1:16. Ito ay kinakailangang magawa sa aking sariling pamamaraan,
D at T 104:16.