|
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Wika
Mga salita, isinulat o binigkas, pinagsasama sa isang tiyak na paraan upang magbigay ng kaalaman, kaisipan, at kuru-kuro. Kung paano natin ginagamit ang wika ay nagpapakita kung ano ang ating nararamdaman para sa Diyos at sa ibang tao. Sa ikalawang pagparito ni Jesucristo, ang Panginoon ay magbibigay sa buong sangkatauhan ng isang dalisay na wika (Zef. 3:8–9).
Ang buong lupa ay iisa ang wika, Gen. 11:1. Ginulo ng Panginoon ang wika ng buong mundo, Gen. 11:4–9. Kanilang narinig ang bawat isa na sinasalita ang kanyang sariling wika, Gawa 2:1–6. Ang Panginoon ay nagsasalita sa mga tao alinsunod sa kanilang wika, 2 Ne. 31:3 ( D at T 1:24). Tinuruan ni Benjamin ang kanyang mga anak ng wika ng kanyang mga ama, nang sa gayon sila ay maging mga lalaking may pang-unawa, Mos. 1:2–5. Siya na ang salita ay may kaamuan at nagpapatibay ay mula sa Diyos kung sinusunod niya ang aking mga ordenansa, D at T 52:16. Maging bihasa sa mga wika, dila, at tao, D at T 90:15. Si Adan at ang kanyang mga anak ay may wikang dalisay at walang halo, Moi. 6:5–6, 46. Binigyan ng Diyos si Enoc ng dakilang kapangyarihan sa salita, Moi. 7:13.
|