|
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Ubasan Ng Panginoon
Isang sagisag sa isang larangan ng espirituwal na pagpapagal. Sa mga banal na kasulatan, ang ubasan ng Panginoon ay kadalasang tumutukoy sa sambahayan ni Israel o sa kaharian ng Diyos sa lupa. Paminsan-minsan, ito ay tumutukoy sa mga tao sa daigdig.
Ang sambahayan ni Israel ang ubasan ng Panginoon ng mga hukbo, Is. 5:7 ( 2 Ne. 15:7). Ibinigay ni Jesus ang talinhaga ng mga manggagawa sa ubasan, Mat. 20:1–16. Ang Israel ay tulad sa isang tunay na punong olibo na inalagaan sa olibohan ng Panginoon, Jac. 5. Pupungusan ng mga tagapaglingkod ng Panginoon ang kanyang olibohan sa huling pagkakataon, Jac. 6. Pagpapalain ng Panginoon ang lahat ng gumagawa sa kanyang ubasan, D at T 21:9 ( Alma 28:14). Gumawa kayo sa aking ubasan sa huling pagkakataon, D at T 43:28.
|