Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Bagong Jerusalem
Ang lugar kung saan ang mga Banal ay magtitipun-tipon at si Cristo mismo ang maghahari kasama nila sa panahon ng Milenyo. Ang Sion (ang Bagong Jerusalem) ay itatayo sa lupalop ng Amerika, at ang mundo ay muling babaguhin at tatanggapin ang kanyang malaparaisong kaluwalhatian (S ng P 1:10). Tumutukoy rin ito sa isang banal na lunsod na bababa mula sa langit sa simula ng Milenyo.
Ang batas ay lalabas sa Sion, Mi. 4:2. Ang pangalan ng lunsod ng aking Diyos ay Bagong Jerusalem, Apoc. 3:12. Nakita ni Juan ang banal na lunsod, ang bagong Jerusalem, Apoc. 21:1–5. Aking itatatag ang mga taong ito sa lupaing ito, at ito ay magiging isang Bagong Jerusalem, 3 Ne. 20:22. Ang isang Bagong Jerusalem ay itatayo sa Amerika, Eter 13:3–6, 10. Ang lunsod ng Bagong Jerusalem ay ihahanda, D at T 42:9, 35, 62–69. Ang mga banal ay magsisipagtipon at itatayo ang Bagong Jerusalem, D at T 45:63–75. Ang Bagong Jerusalem ay itatayo sa Missouri, D at T 84:1–5 (D at T 57:1–3). Ang Kordero ay tatayo sa Bundok ng Sion at sa banal na lunsod, ang Bagong Jerusalem, D at T 133:56. Ang aking tabernakulo ay tatawaging Sion, isang Bagong Jerusalem, Moi. 7:62.