Patalinghaga, si Jesucristo at ang kanyang ebanghelyo, na isang matatag na saligan at tukuran (
D at T 11:24;
33:12–13). Ang
bato ay maaari ring tumukoy sa paghahayag, na pamamaraan ng Diyos upang ipaalam ang kanyang ebanghelyo sa tao (Mat. 16:15–18).
Siya ang bato, ang kanyang gawa ay sakdal, Deut. 32:4. Ang Panginoon ay aking malaking bato; sa kanya ako’y manganganlong, 2 Sam. 22:2–3. May natibag na isang bato, hindi ng mga kamay, Dan. 2:34–35. Natatayo sa ibabaw ng bato, Mat. 7:25 (
3 Ne. 14:25). Si Jesucristo ang bato na itinakwil, Gawa 4:10–11. Ang Batong yaon ay si Cristo, 1 Cor. 10:1–4 (Ex. 17:6). Siya na nakatayo sa malaking bato ay tumatanggap ng katotohanan,
2 Ne. 28:28. Itatakwil ng mga Judio ang bato (si Cristo) kung saan sila makapagtatayo,
Jac. 4:15–17. Dito sa ibabaw ng bato ng ating Manunubos dapat tayong magtayo ng ating saligan,
Hel. 5:12. Ang bawat nagtatayo sa mga doktrina ni Cristo ay natatayo sa ibabaw ng kanyang bato at hindi babagsak sa pagdating ng baha,
3 Ne. 11:39–40 (Mat. 7:24–27;
3 Ne. 18:12–13). Ang matalinong tao ay nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng isang malaking bato,
3 Ne. 14:24. Kung kayo ay itinayo sa aking bato, ang mundo at impiyerno ay hindi mananaig,
D at T 6:34. Siya na nakatayo sa ibabaw ng batong ito ay hindi kailanman babagsak,
D at T 50:44. Ako ang Mesiyas, ang Hari ng Sion, ang Bato ng Langit,
Moi. 7:53.