|
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Baha Sa Panahon Ni Noe
Sa panahon ni Noe ang mundo ay lubusang natabunan ng tubig. Ito ang pagbibinyag sa mundo at sumasagisag ng paglilinis (1 Ped. 3:20–21).
Magpapadala ang Diyos ng pagbaha ng mga tubig sa lupa upang lipulin ang lahat ng laman, Gen. 6:17 ( Moi. 7:34, 43, 50–52; 8:17, 30). Ang mga tubig ng baha ay napasalupa, Gen. 7:10. Naglagay ang Diyos ng bahaghari sa ulap bilang isang tanda ng tipan, Gen. 9:9–17. Matapos bumaba ang mga tubig, ang lupa ng Amerika ay naging isang piling lupain, Eter 13:2. Masasawi ang masasama sa baha, Moi. 7:38; 8:24.
|