Pagsubok sa kakayahan ng isang tao sa pagpili ng mabuti kaysa masama; panghihikayat magkasala at sumunod kay Satanas sa halip na sa Diyos.
Huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama, Mat. 6:13 (
3 Ne. 13:12). Hindi itutulot ng Diyos na kayo’y tuksuhin nang higit sa inyong makakaya, 1 Cor. 10:13. Si Cristo ay tinukso na gaya rin naman natin, Heb. 4:14–15. Mapalad ang taong nagtitiis ng tukso, Sant. 1:12–14. Hindi magagapi ng mga tukso ng kaaway yaong mga nakikinig sa salita ng Diyos,
1 Ne. 15:24 (
Hel. 5:12). Ang tao ay hindi makakikilos para sa kanyang sarili maliban na siya ay nahikayat ng isa o ng iba,
2 Ne. 2:11–16. Magbantay at patuloy na manalangin, upang kayo ay hindi matukso nang higit sa inyong makakaya,
Alma 13:28. Turuan silang paglabanan ang bawat tukso ng diyablo, sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa Panginoong Jesucristo,
Alma 37:33. Laging manalangin, baka kayo ay matukso,
3 Ne. 18:15, 18 (
D at T 20:33;
31:12;
61:39). Mag-ingat sa kapalaluan, upang huwag kang matukso,
D at T 23:1. Napasailalim si Adan sa kalooban ng diyablo, dahil siya ay nagpadala sa tukso,
D at T 29:39–40. Naiwan ako sa lahat ng uri ng tukso,
JS—K 1:28.