Iligtas, bilhin, o tubusin, sa gayon mapalalaya ang isang tao mula sa pagkaalipin sa pamamagitan ng kabayaran. Ang Pagtubos ay tumutukoy sa pagbabayad-sala ni Jesucristo at sa paglaya mula sa kasalanan. Ang pagbabayad-sala ni Jesucristo ang tumubos sa buong sangkatauhan mula sa kamatayang pisikal. Sa pamamagitan ng kanyang pagbabayad-sala, sila na may pananampalataya sa kanya at nagsisisi ay tinubos din mula sa kamatayang espirituwal.
Tinubos kita, Is. 44:22. Aking tutubusin sila mula sa kamatayan, Os. 13:14 (Awit 49:15). Mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, Ef. 1:7, 14 (Heb. 9:11–15; 1 Ped. 1:18–19;
Alma 5:21;
Hel. 5:9–12). Tinubos ng Panginoon ang aking kaluluwa mula sa impiyerno,
2 Ne. 1:15. Ang pagtubos ay darating sa at sa pamamagitan ng Banal na Mesiyas,
2 Ne. 2:6–7, 26 (Mos.
15:26–27;
26:26). Sila ay umawit ng mapagtubos na pag-ibig,
Alma 5:9 (
Alma 5:26;
26:13). Ang masasama ay mananatili na parang walang pagtubos na ginawa,
Alma 11:40–41 (
Alma 34:16;
42:13;
Hel. 14:16–18). Pinapangyari ni Jesucristo ang pagkabuhay na mag-uli ng sanlibutan,
Morm. 7:5–7. Ang kapangyarihan ng pagtubos ay mapapasakanilang lahat na walang batas,
Moro. 8:22 (
D at T 45:54). Sila na hindi naniniwala ay hindi matutubos sa kanilang espirituwal na pagkahulog,
D at T 29:44. Ang mga bata ay tinubos na mula pa sa pagkakatatag ng daigdig,
D at T 29:46. Tinubos ng Panginoon ang kanyang mga tao,
D at T 84:99. Nakita ni Joseph F. Smith sa pangitain ang pagtubos sa mga patay,
D at T 138. Nagsaya sina Adan at Eva sa kanilang pagkakatubos,
Moi. 5:9–11.