Ang panahon mula sa pagsilang hanggang kamatayan. Ito minsan ay tinatawag na pangalawang kalagayan.
Sa araw na kakainin ninyo ito kayo ay tiyak na mamamatay, Gen. 2:16–17 (
Moi. 3:16–17). Sa kamatayan ang espiritu ay babalik sa Diyos at ang katawan sa alabok ng lupa, Ec. 12:7 (Gen. 3:19;
Moi. 4:25). Huwag hayaang maghari ang kasalanan sa inyong mortal na katawan, Rom. 6:12. Ang may kamatayan na katawang ito ay nararapat na magbihis ng kawalang-kamatayan, 1 Cor. 15:53 (
Enos 1:27;
Mos. 16:10;
Morm. 6:21). Ang kalagayan ng tao ay naging kalagayan ng pagsubok,
2 Ne. 2:21 (
Alma 12:24;
42:10). Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon,
2 Ne. 2:25. Kayo ba ay umaasa at nakikita ang may kamatayang katawang ito na ibinabangon sa kawalang-kamatayan?
Alma 5:15. Ang buhay na ito ang panahon para sa mga tao na maghanda sa pagharap sa Diyos,
Alma 34:32. Huwag matakot sa kamatayan, sapagkat ang iyong kagalakan ay hindi ganap sa daigdig na ito,
D at T 101:36. Ang mga yaong naingatan ang kanilang pangalawang kalagayan ay magkakaroon ng kaluwalhatian,
Abr. 3:26.