Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Tawag, Tinawag Ng Diyos, Pagkakatawag
Ang tawagin ng Diyos ay ang tumanggap ng tungkulin o paanyaya mula sa kanya o sa kanyang may karapatang mga pinuno ng Simbahan upang maglingkod sa kanya sa natatanging paraan.
Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa kanya at tinagubilinan siya, Blg. 27:23. Inorden kitang propeta, Jer. 1:5. Kayo’y pinili ko at inorden kayo, Juan 15:16. Tinawag si Pablo na maging isang Apostol, Rom. 1:1. Walang sinuman ang makatatanggap ng karangalang ito sa kanyang sarili, kundi siya na tinawag ng Diyos, Heb. 5:4. Tinawag ng Diyos si Jesus alinsunod sa orden ni Melquisedec, Heb. 5:10. Ako ay tinawag upang ipangaral ang salita ng Diyos alinsunod sa diwa ng paghahayag at propesiya, Alma 8:24. Ang mga saserdote ay tinawag at inihanda mula pa sa pagkakatatag ng daigdig, Alma 13:3. Kung ikaw ay may naising maglingkod sa Diyos, ikaw ay tinatawag, D at T 4:3. Manatiling matatag sa gawain kung saan kita tinawag, D at T 9:14. Hindi mo dapat akalain na ikaw ay tinawag na mangaral hanggang sa ikaw ay tawagin, D at T 11:15. Ang mga elder ay tinawag upang maisakatuparan ang pagtitipon ng mga hinirang, D at T 29:7. Walang sinumang mangangaral ng aking ebanghelyo o magtatatag ng aking Simbahan maliban sa siya ay inordenan, D at T 42:11. Marami ang tinawag, subalit iilan ang napili, D at T 121:34. Ang tao ay kinakailangang tawagin ng Diyos, S ng P 1:5.