Isang pumapamagitan. Si Jesus ang tagapamagitan ng Diyos at tao. Inaako ng pagbabayad-sala ni Jesus ang isang paraan para sa mga tao na makapagsisi ng kanilang mga kasalanan at makipagkasundo sa Diyos. Si Jesucristo ang ating Tagapamagitan sa Ama (
Moro. 7:28) at sumasamo ng ating kapakanan sa kanya.
Sinuman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ni Jesucristo, Juan 14:6. May isang tagapamagitan sa Diyos at tao, 1 Tim. 2:5. Si Cristo ang tagapamagitan sa isang tipang lalong magaling, Heb. 8:6 (Heb. 9:15; 12:24;
D at T 107:19). Si Jesucristo ang ating tagapamagitan sa Ama, 1 Juan 2:1 (
D at T 110:4). Ang Banal na Mesiyas ang mamamagitan para sa lahat ng anak ng tao,
2 Ne. 2:9 (Is. 53:12; Mos. 14:12). Si Jesus ang mamamagitan para sa lahat,
2 Ne. 2:9 (Heb. 7:25). Nararapat na umasa sa dakilang Tagapamagitan,
2 Ne. 2:27–28. Nakamtan ni Jesus ang tagumpay sa kamatayan, na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan na makapamagitan para sa mga anak ng tao,
Mos. 15:8. Ako ang inyong tagapamagitan sa Ama (
D at T 29:5). Isinasamo ni Jesucristo ang inyong kapakanan,
D at T 45:3–5. Tayo ay gagawing ganap sa pamamagitan ni Jesus na tagapamagitan ng bagong tipan,
D at T 76:69.