|
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Tagakita
Isang taong pinahintulutan ng Diyos na makita sa pamamagitan ng mga matang espirituwal ang mga bagay na itinatago ng Diyos sa sanlibutan ( Moi. 6:35–38). Isa siyang tagapaghayag at isang propeta (Mos. 8:13–16). Sa Aklat ni Mormon, itinuro ni Ammon na ang tagakita lamang ang makagagamit ng di karaniwang pansalin, o ang Urim at Tummim (Mos. 8:13; 28:16). Nalalaman ng isang tagakita ang nakalipas, kasalukuyan, at hinaharap. Noong una, madalas na tawaging tagakita ang isang propeta (1 Sam. 9:9; 2 Sam. 24:11).
Si Joseph Smith ang dakilang tagakita ng mga huling araw ( D at T 21:1; 135:3). Bilang karagdagan, ang Unang Panguluhan at ang Kapulungan ng Labindalawa ay sinustena bilang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag.
Ito ang mapanghimagsik na bayan na nagsasabi sa mga tagakita, Huwag kayong makakita; at sa mga propeta, Huwag kayong magpropesiya, Is. 30:9–10. Isang piling tagakita ang aking ibabangon mula sa bunga ng kanyang balakang, 2 Ne. 3:6–15. Narito ang karunungan; oo, ang maging isang tagakita, isang tagapaghayag, isang tagasalin, at isang propeta, D at T 107:92. Hinirang ng Panginoon si Hyrum Smith bilang isang propeta, tagakita, at tagapaghayag sa Simbahan, D at T 124:91–94.
|