Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Smith, Joseph, Sr.
Ama ng Propetang si Joseph Smith. Isinilang siya noong 12 Hulyo 1771. Ikinasal siya kay Lucy Mack, at mayroon silang siyam na anak (JS—K 1:4). Si Joseph ay naging matapat na naniniwala sa panunumbalik sa huling araw at ang unang Patriyarka sa Simbahan. Namatay siya noong 14 Setyembre 1840.
Nagpahayag ang Diyos ng mga tagubilin sa kanya sa pamamagitan ng kanyang anak na si Joseph, D at T 4; 23:5. Ang aking matandang tagapaglingkod ay mamamalagi na kasama ang kanyang mag-anak, D at T 90:20. Ang aking matandang tagapaglingkod na si Joseph ay nakaupong kasama si Abraham sa kanyang kanang kamay, D at T 124:19. Nakita ni Joseph Smith, Jr. ang kanyang ama sa isang pangitain sa kahariang selestiyal, D at T 137:5. Inutusan ng isang anghel si Joseph Smith, Jr. na sabihin sa kanyang ama ang tungkol sa pangitaing kanyang natanggap, JS—K 1:49–50.