Isang samahan ng mga naniniwala na nagtaglay sa kanilang sarili ng pangalan ni Jesucristo sa pamamagitan ng binyag at pagpapatibay. Upang maging tunay na Simbahan, kinakailangang maging Simbahan ito ng Panginoon; kailangang taglay ang kanyang karapatan, mga aral, batas, ordenansa, at pangalan; at kailangang pinamamahalaan niya sa pamamagitan ng mga kinatawang hinirang niya.
Nagdaragdag ang Panginoon sa Simbahan araw-araw, Gawa 2:47. Tayo, na marami, ay isang katawan kay Cristo, Rom. 12:5. Sa isang Espiritu bininyagan tayong lahat sa isang katawan, 1 Cor. 12:13. Itinatag ang Simbahan sa saligan ng mga Apostol at propeta, Ef. 2:19–20. Mahalaga ang mga Apostol at propeta sa Simbahan, Ef. 4:11–16. Si Cristo ang pinuno ng Simbahan, Ef. 5:23. Sa kabila ng pagkakaroon ng maraming Simbahan, ang lahat ng ito ay isang Simbahan,
Mos. 25:19–22. Ang Simbahan ay nilinis at isinaayos,
Alma 6:1–6. Kailangang tawagin ang Simbahan ni Cristo sa kanyang pangalan,
3 Ne. 27:8. Ang Simbahan ay madalas na nagtitipun-tipon upang mag-ayuno at manalangin at makipag-usap,
Moro. 6:5. Ito ang tanging tunay at buhay na Simbahan,
D at T 1:30. Ang Simbahan ni Cristo ay sumikat sa mga huling araw na ito,
D at T 20:1. Tumatawag ang Panginoon ng kanyang mga tagapaglingkod upang itatag ang kanyang Simbahan,
D at T 39:13. Sapagkat sa ganito tatawagin ang aking Simbahan sa mga huling araw,
D at T 115:4.