|
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Simbahan, Mga Palatandaan Ng Tunay Na
Mga doktrina at gawain ng isang Simbahan na magpapakitang sinasang-ayunan ito ng Diyos at ang paraang itinatag ng Panginoon para sa kanyang mga anak upang matamo ang ganap niyang mga pagpapala. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga palatandaan ng tunay na Simbahan:
Tamang pang-unawa sa Panguluhang Diyos: Nilalang ng Diyos ang tao alinsunod sa sarili niyang larawan, Gen. 1:26–27. Nakipag-usap ang Panginoon kay Moises nang harapan, Ex. 33:11. Ang buhay na walang hanggan ay ang makilala ang Diyos Ama at si Jesucristo, Juan 17:3. Ang Ama at Anak ay may mga katawang may laman at mga buto, D at T 130:22–23. Nagpakita ang Ama at ang Anak kay Joseph Smith, JS—K 1:15–20. Naniniwala kami sa Diyos, ang Amang Walang Hanggan, S ng P 1:1.
Mga pangunahing alituntunin at ordenansa: Maliban na ang tao’y isilang sa tubig at sa Espiritu, Juan 3:3–5. Magsisi at magpabinyag, ang bawat isa sa inyo, sa pangalan ni Jesucristo, Gawa 2:38. Pagkatapos kanilang ipinatong ang kanilang mga kamay sa kanila, at natanggap nila ang Espiritu Santo, Gawa 8:14–17. Maging mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, Gal. 3:26–27. Magsisi kayo, at magpabinyag sa pangalan ng aking Bugtong na Anak, 2 Ne. 31:11–21. Sila na naniwala ay bininyagan at tinanggap ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, D at T 76:50–53. Wastong pagkasaserdote ay kinakailangan upang makapagbinyag at makapagbigay ng kaloob na Espiritu Santo, JS—K 1:70–72. Inilarawan ang mga pangunahing alituntunin at ordenansa ng ebanghelyo, S ng P 1:4.
Paghahayag: Kung saan walang pangitain, ang mga tao ay sumasama, Kaw. 29:18. Ipinahahayag ng Panginoon ang kanyang mga lihim sa kanyang mga propeta, Amos 3:7. Itinayo ang Simbahan sa bato ng paghahayag, Mat. 16:17–18 ( D at T 33:13). Sa aba niya na magsasabing ang Panginoon ay hindi na gumagawa sa pamamagitan ng paghahayag, 3 Ne. 29:6. Ibinibigay lamang ang mga paghahayag at kautusan sa pamamagitan ng isang hinirang, D at T 43:2–7. Naniniwala kami sa lahat ng ipinahayag ng Diyos, S ng P 1:9.
Mga propeta: Itinatag ang simbahan sa saligan ng mga Apostol at propeta, Ef. 2:19–20. Mahalaga ang mga Apostol at propeta sa Simbahan, Ef. 4:11–16. Tinawag si Joseph Smith na maging tagakita, propeta, at Apostol, D at T 21:1–3. Naniniwala kami sa mga propeta, S ng P 1:6.
Karapatan: Binigyan ni Jesus ang kanyang mga disipulo ng kapangyarihan at karapatan, Lu. 9:1–2 (Juan 15:16). Si Nephi, na anak ni Helaman, ay may dakilang karapatan mula sa Diyos, Hel. 11:18 ( 3 Ne. 7:17). Ang propeta ang siyang tatanggap ng mga kautusan para sa Simbahan, D at T 21:4–5. Walang sinumang mangangaral ng ebanghelyo o magtatatag ng Simbahan maliban sa siya ay inordenan ng isang may karapatan, D at T 42:11. Ipangangaral ng mga elder ang ebanghelyo, gumaganap nang may karapatan, D at T 68:8. Sinumang nangangaral o naglilingkod sa Diyos ay kinakailangang tawagin ng Diyos sa pamamagitan ng mga yaong may karapatan, S ng P 1:5.
Mga karagdagang banal na kasulatan ay lilitaw: Ang talaan ni Juda ay isasama sa talaan ni Jose, Ez. 37:15–20. Ibinadya ang pagkakaroon ng mga banal na kasulatan sa huling araw, 1 Ne. 13:38–41. Naniniwala kami na ang Diyos ay maghahayag pa ng maraming dakila at mahalagang bagay, S ng P 1:9.
Kaayusan ng Simbahan: Itinatag ang Simbahan sa saligan ng mga Apostol at propeta, Ef. 2:19–20. Mahalaga ang mga Apostol at propeta sa Simbahan, Ef. 4:11–16. Si Cristo ang pinuno ng Simbahan, Ef. 5:23. Kailangang tawagin ang Simbahan ni Cristo sa kanyang pangalan, 3 Ne. 27:8. Naniniwala kami sa samahan ding yaon na umiral sa Sinaunang Simbahan, S ng P 1:6.
Gawaing pangmisyonero: Dahil dito magsihayo kayo, at turuan ang lahat ng bansa, Mat. 28:19–20. Tumawag ng pitumpu upang mangaral ng ebanghelyo, Lu. 10:1. Sila ay nagnais na ipahayag ang kaligtasan sa bawat nilikha, Mos. 28:3. Hahayo ang mga elder, mangangaral ng aking ebanghelyo, nang dala-dalawa, D at T 42:6. Ang ebanghelyo ay dapat na maipangaral sa bawat kinapal, D at T 58:64.
Mga espirituwal na kaloob: Sila ay nagsimulang magsalita sa iba’t ibang wika, Gawa 2:4. Ang mga elder ang magpapagaling sa maysakit, Sant. 5:14. Huwag itatwa ang mga kaloob ng Diyos, Moro. 10:8. Itinala ang mga espirituwal na kaloob, D at T 46:13–26 (1 Cor. 12:1–11; Moro. 10:9–18).
Mga templo: Makikipagtipan ako at itatatag ang aking santuwaryo sa gitna nila magpakailanman, Ez. 37:26–27. Ang Panginoon ay biglang paroroon sa kanyang templo, Mal. 3:1. Nagtayo si Nephi ng isang templo, 2 Ne. 5:16. Pinarusahan ang mga Banal dahil sa nabigong itayo ang bahay ng Panginoon, D at T 95 ( D at T 88:119). Nagtatayo ng mga templo sa tuwina ang mga tao ng Panginoon para sa pagsasagawa ng mga banal na ordenansa, D at T 124:37–44. Ang pagtatayo ng mga templo at pagsasagawa ng mga ordenansa ay bahagi ng dakilang gawain sa huling araw, D at T 138:53–54.
|