Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Salita Ng Diyos
Mga tagubilin, kautusan, o pahatid mula sa Diyos. Maaaring matanggap nang tuwiran ng mga anak ng Diyos ang kanyang salita sa pamamagitan ng paghahayag na manggagaling sa Espiritu o mula sa kanyang mga piniling tagapaglingkod (D at T 1:38).
Sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Panginoon nabubuhay ang tao, Deut. 8:3 (Mat. 4:4; D at T 84:43–44). Ang salita mo’y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas, Awit 119:105. Nangapuspos silang lahat ng Espiritu Santo at sinalita ang salita ng Diyos nang may katapangan, Gawa 4:31–33. Ang gabay na bakal ang salita ng Diyos na nagbibigay-daan patungo sa punungkahoy ng buhay, 1 Ne. 11:25 (1 Ne. 15:23–25). Kayo ay manhid, kung kaya’t hindi ninyo madama ang kanyang mga salita, 1 Ne. 17:45–46. Sa aba niya na tatanggi sa salita ng Diyos! 2 Ne. 27:14 (2 Ne. 28:29; Eter 4:8). Magpatuloy sa paglakad, na nagpapakabusog sa salita ni Cristo, 2 Ne. 31:20 (2 Ne. 32:3). Dahil sa kanilang kawalang-paniniwala ay hindi nila maunawaan ang salita ng Diyos, Mos. 26:3 (Alma 12:10). Sinaliksik nila nang masigasig ang mga banal na kasulatan, upang malaman nila ang salita ng Diyos, Alma 17:2. Subukan ang bisa ng salita ng Diyos, Alma 31:5. Inihalintulad ni Alma ang salita ng Diyos sa isang binhi, Alma 32:28–43. Anuman ang kanilang sasabihin kapag pinakikilos ng Espiritu Santo ay magiging salita ng Panginoon, D at T 68:4. Mabuhay sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos, D at T 84:44–45. Sinuman ang nagpapahalaga sa aking salita ay hindi malilinlang, JS—M 1:37.