Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Ordenan, Pag-Oorden
Humirang o magkaloob ng karapatan o katungkulan. Ang paggamit ng kapangyarihan sa simbahan ng Panginoon, ang isang tao ay kailangang tawagin ng Diyos, sa pamamagitan ng propesiya, at ng pagpapatong ng mga kamay ng mga yaong nasa kapangyarihan (S ng P 1:5). Kahit na ang isang tao ay maaaring tumanggap ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pag-oorden, gagamitin niya ito sa ilalim ng pamamatnubay ng mga yaong humahawak ng mga tanging susi sa kapangyarihang iyon.
Inorden kitang propeta sa mga bansa, Jer. 1:5. Ako’y hindi ninyo pinili, ngunit kayo’y pinili ko, at akin kayong inorden, Juan 15:16. Sapagkat may karapatan mula sa Diyos, si Alma ay nag-orden ng mga saserdote, Mos. 18:18. Ang kalalakihan ay inordenan sa mataas na pagkasaserdote ng banal na ordenansa, Alma 13:1–9. Tumawag at nag-orden si Jesus ng labindalawang disipulo, 3 Ne. 12:1. Ang mga elder ay nag-orden ng mga saserdote at guro sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, Moro. 3:1–4. Maghintay pa nang kaunting panahon, sapagkat ikaw ay hindi pa naordenan, D at T 5:17. Naorden si Joseph Smith na isang apostol ni Jesucristo, D at T 20:2 (D at T 27:12). Walang taong oordenan nang walang boto ng simbahan, D at T 20:65. Ito ay hindi ibibigay sa sinuman na mangaral ng aking ebanghelyo, maliban sa siya ay inordenan ng isang may karapatan, D at T 42:11. Ang mga elder ng simbahan ay naordenan upang mangaral ng aking ebanghelyo, D at T 50:13–18. Ito ang tungkulin ng Labindalawa na mag-orden at ayusin ang lahat ng iba pang mga pinuno ng Simbahan, D at T 107:58. Aking hinangad ang mga pagpapala ng mga ama, sa karapatan kung saan ako ay nararapat maordenan, Abr. 1:2. Inordenan nina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang isa’t isa sa Pagkasaserdoteng Aaron, JS–K 1:68–72.