|
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Noe, Patriyarka Sa Biblia
Sa Lumang Tipan, ang anak ni Lamec at ang ikasampung patriyarka mula kay Adan (Gen. 5:29–32). Nagpatotoo siya tungkol kay Cristo at nangaral ng pagsisisi sa masasamang salinlahi. Nang tanggihan ng mga tao ang kanyang mensahe, inutusan siya ng Diyos na gumawa ng arka upang panahanan ng kanyang mag-anak at ng lahat ng hayop kapag ang mundo ay binaha upang wasakin ang masasama (Gen. 6:13–22; Moi. 8:16–30). Itinuro ni propetang Joseph Smith na si Noe ang anghel na si Gabriel at tumatayong kasunod ni Adan sa paghawak ng mga susi ng kaligtasan.
Siya at ang kanyang mga anak na sina Japhet, Sem, at Ham, at ang kanilang mga asawa ay naligtas nang sila ay gumawa ng arka sa utos ng Diyos, Gen. 6–8 (Heb. 11:7; 1 Ped. 3:20). Inulit ng Panginoon ang tipang kanyang ginawa kay Enoc kay Noe, Gen. 9:1–17 ( Moi. 7:49–52; PJS, Gen. 9:15, 21–25). Si Noe ay naordenan ni Matusalem sa pagkasaserdote nang siya ay sampung taong gulang, D at T 107:52. Tinangka ng mga tao na kitlin ang kanyang buhay, subalit iniligtas siya ng kapangyarihan ng Diyos, Moi. 8:18. Siya ay naging tagapangaral ng kabutihan at nagturo ng ebanghelyo ni Jesucristo, Moi. 8:19, 23–24 (2 Ped. 2:5).
|