Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Moises
Isang propeta sa Lumang Tipan na namuno sa mga Israelita sa paglaya mula sa pagkaalipin sa Egipto at nagbigay sa kanila ng isang takdang batas ng relihiyon, pakikitungo sa kapwa, at sa pagkain gaya ng ipinahayag ng Diyos.
Ang paglilingkod ni Moises ay nagpatuloy pa maging pagkatapos ng kanyang buhay sa mundo. Itinuro ni Joseph Smith na, kasama ni Elijah, siya ay nagtungo sa Bundok ng Pagbabagong-anyo at iginawad ang mga susi ng pagkasaserdote kina Pedro, Santiago, at Juan (Mat. 17:3–4; Mar. 9:4–9; Lu. 9:30; D at T 63:21).
Nagpakita si Moises kina Joseph Smith at Oliver Cowdery noong ika–3 ng Abril 1836, sa templo ng Kirtland, Ohio, at iginawad sa kanila ang mga susi ng pagtitipon ng Israel (D at T 110:11).
Maraming nababanggit ang paghahayag sa huling araw tungkol kay Moises. Siya ay madalas mabanggit sa Aklat ni Mormon, at mula sa Doktrina at mga Tipan ay nalaman natin ang tungkol sa kanyang paglilingkod (D at T 84:20–26) at na kanyang natanggap ang pagkasaserdote mula sa kanyang biyanang lalaki, na si Jethro (D at T 84:6).
Pinagtibay rin ng paghahayag sa huling araw ang mga ulat sa Biblia tungkol sa kanyang paglilingkod sa mga anak ni Israel at muling pinatunayan na siya ang may-akda ng limang unang aklat sa Lumang Tipan (1 Ne. 5:11; Moi. 1:40–41).
Iniligtas ng anak ng Faraon, Ex. 2:1–10. Tumakas patungong Madian, Ex. 2:11–22. Nagpakita sa kanya ang anghel ng Panginoon sa isang nag-aapoy na mababang punungkahoy, Ex. 3:1–15. Nagtalastas ng mga salot na sasapit sa mga taga-Egipto, Ex. 7–11. Pinasimulan ng Panginoon ang Paskua, Ex. 12:1–30. Pinamunuan ang mga anak ng Israel sa pagtawid sa Dagat na Pula, Ex. 14:5–31. Nagpadala ang Panginoon ng manna sa disyerto, Ex. 16. Pumalo ng bato sa Horeb at bumukal ang tubig, Ex. 17:1–7. Itinaas nina Aaron at Hur ang kanyang mga kamay kaya’t nanaig si Josue kay Amalec, Ex. 17:8–16. Pinagpayuhan siya ni Jethro, Ex. 18:13–26. Inihanda ang mga tao para sa pagpapakita ng Panginoon sa bundok ng Sinai, Ex. 19. Ipinahayag ng Panginoon ang Sampung Kautusan sa kanya, Ex. 20:1–17. Siya at ang pitumpung elder ay nakita ang Diyos, Ex. 24:9–11. Binasag ang mga tapyas na bato ng pagpapatotoo at winasak ang ginintuang guya, Ex. 32:19–20. Nakipag-usap nang harapan sa Diyos, Ex. 33:9–11. Nagpakita nang magbagong-anyo si Jesus, Mat. 17:1–13 (Mar. 9:2–13; Lu. 9:28–36). Maging malakas tayong katulad ni Moises, 1 Ne. 4:2. Si Cristo ang propetang tulad ni Moises na ibabangon ng Panginoon, 1 Ne. 22:20–21 (3 Ne. 20:23; Deut. 18:15). Inakay ang Israel sa pamamagitan ng paghahayag, D at T 8:3. Nakitang kasama ng mga dakilang espiritu, D at T 138:41. Nakita ang Diyos nang harapan, Moi. 1:2, 31. Kawangis ng Bugtong na Anak, Moi. 1:6, 13. Magsusulat ng mga bagay na ipinahayag sa kanya hinggil sa paglikha, Moi. 2:1.
Ang aklat ni Moises: Isang aklat sa Mahalagang Perlas na naglalaman ng mga pagsasalin ni Joseph Smith ng unang pitong kabanata ng Genesis.
Natatala sa kabanata 1 ang pangitain kung saan ay nakita ni Moises ang Diyos, na nagpahayag sa kanya ng buong plano ng kaligtasan. Ang mga kabanata 2–5 ay isang ulat ng Paglikha at pagkahulog ng tao. Nilalaman sa mga kabanata 6–7 ang pangitain tungkol kay Enoc at sa kanyang paglilingkod sa mundo. Nilalaman sa kabanata 8 ang pangitain tungkol kay Noe at sa malaking baha.
Ang limang aklat ni Moises: Tingnan sa Genesis; Exodo; Levitico; Mga Bilang; Deuteronomio
Ang unang limang aklat sa Lumang Tipan ay kilala bilang mga aklat ni Moises. Naglalaman ang mga tansong lamina na kinuha ni Nephi kay Laban ng mga aklat ni Moises (1 Ne. 5:11).
Binasa ni Nephi ang maraming bagay na nasusulat sa mga aklat ni Moises, 1 Ne. 19:23.