Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Mesiyas
Tingnan din sa Jesucristo; Pinahiran, Ang
Isang uri ng salitang Aramaic at Hebreo na nangangahulugang “ang pinahiran ng langis.” Sa Bagong Tipan si Jesus ay tinatawag na Cristo, na sa wikang Griyego ay katumbas ng salitang Mesiyas. Ang ibig sabihin nito ay pinahiran ng langis na Propeta, Saserdote, Hari, at Tagapagligtas na ang pagparito ay sabik na hinihintay ng mga Judio.
Maraming Judio ang naghihintay lamang sa isang tagapagligtas mula sa kapangyarihan ng Roma at para sa mas maunlad na bayan; kaya nga, nang pumarito ang Mesiyas, itinakwil siya ng mga pinuno at marami pang iba. Ang mga mapagpakumbaba at matatapat lamang ang nakakita na si Jesus ng Nazaret ang tunay na Cristo (Is. 53; Mat. 16:16; Juan 4:25–26).
Mapapasa-Mesiyas ang Espiritu, mangangaral ng ebanghelyo, at magtatanyag ng kalayaan, Is. 61:1–3 (Lu. 4:18–21). Natagpuan namin ang Mesiyas, na ang ibig sabihin, ang Cristo, Juan 1:41 (Juan 4:25–26). Ibinangon ng Diyos sa mga Judio ang isang Mesiyas, o, sa ibang salita, isang Tagapagligtas, 1 Ne. 10:4. Ang Anak ng Diyos ang Mesiyas na paparito, 1 Ne. 10:17. Ang pagtubos ay darating sa at sa pamamagitan ng banal na Mesiyas, 2 Ne. 2:6. Ang Mesiyas ay paparito sa kaganapan ng panahon, 2 Ne. 2:26. Ang Mesiyas ay babangon mula sa patay, 2 Ne. 25:14. Sa pangalan ng Mesiyas aking iginagawad ang Pagkasaserdoteng Aaron, D at T 13:1. Sinabi ng Panginoon, Ako ang Mesiyas, ang Hari ng Sion, Moi. 7:53.