Ang maging maamo at madaling turuan, o ang kalagayan ng pagiging maamo at madaling turuan. Sinasaklaw ng pagpapakumbaba ang pagkilala ng ating pag-asa sa Diyos at paghahangad na mapasailalim sa kanyang kalooban.
Inakay kayo ng Diyos ng apatnapung taon sa ilang upang magpakumbaba kayo, Deut. 8:2. Ipinakumbaba ko ang aking kaluluwa nang may pag-aayuno, Awit 35:13. Higit na mabuti ang isang maralita at marunong na bata kaysa matanda at hangal na hari, Ec. 4:13. Nananahan ang Panginoon sa kanya na mapagpakumbaba, Is. 57:15. Sinuman ang magpapakumbaba ng kanyang sarili katulad ng batang ito, ay pinakadakila rin sa kaharian ng langit, Mat. 18:4. Siya na nagpapakumbaba ng kanyang sarili ay itataas, Mat. 23:12 (Lu. 14:11; 18:14). Ibinaba ni Jesus ang kanyang sarili at naging masunurin hanggang kamatayan, Fil. 2:8 (Lu. 22:42; 23:46). Ang Diyos ay sumasalangsang sa mga palalo, at nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba, 1 Ped. 5:5–6 (
2 Ne. 9:42). Magpakumbaba kayo hanggang sa kailaliman ng pagpapakumbaba,
Mos. 4:11 (
2 Ne. 9:42;
3 Ne. 12:2). Kayo ba ay naging sapat na mapagpakumbaba?
Alma 5:27–28. Tumibay nang tumibay sa kanilang pagpapakumbaba ang higit na mapagpakumbabang bahagi ng mga tao,
Hel. 3:33–35. Ako ay nagbibigay ng kahinaan sa mga tao upang sila ay magpakumbaba,
Eter 12:27. Ang pagpapakumbaba ay kinakailangan sa pagbibinyag,
D at T 20:37. Magpakumbaba kayo sa harapan ko at inyo akong makikita at makilala na ako nga,
D at T 67:10. Maging mapagpakumbaba ka at bibigyan ka ng Panginoon ng kasagutan sa iyong mga panalangin,
D at T 112:10. Siya na walang alam ay matuto ng karunungan sa pamamagitan ng pagpapakumbaba ng kanyang sarili,
D at T 136:32. Isinusugo ang Espiritu upang bigyang-liwanag ang mapagpakumbaba,
D at T 136:33.