Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Manunubos
Tingnan din sa Jesucristo; Tagapagligtas
Si Jesucristo ang dakilang Manunubos ng sangkatauhan sapagkat siya, sa pamamagitan ng kanyang pagbabayad-sala, ay binayaran ang halaga ng mga kasalanan ng sangkatauhan at ginawang mangyari ang pagkabuhay na mag-uli ng lahat ng tao.
Talastas ko na ang aking Manunubos ay buhay, Job 19:25. Aking tutulungan ka, wika ng iyong Manunubos, ang Banal ng Israel, Is. 41:14 (Is. 43:14; 48:17; 54:5; 59:20). Akong Panginoon ay iyong Tagapagligtas at iyong Manunubos, Is. 49:26 (Is. 60:16). Ang pangalang itatawag sa kanya’y Jesus: sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan, Mat. 1:21. Ang Anak ng tao ay pumarito upang ibigay ang kanyang buhay bilang pantubos sa marami, Mat. 20:28 (1 Tim. 2:5–6). Ang Panginoon, ang Diyos ng Israel ay dinalaw at tinubos ang kanyang bayan, Lu. 1:68. Pinakipagkasundo tayo sa Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ng kanyang Anak, Rom. 5:10. Ibinigay ni Jesucristo ang kanyang sarili dahil sa atin, upang tubusin niya tayo sa lahat ng kasamaan, Tit. 2:13–14. Si Jesucristo ang naghugas sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang dugo, Apoc. 1:5. Ang katubusan ay darating sa at sa pamamagitan ng Banal na Mesiyas, 2 Ne. 2:6–7, 26. Ang Anak ang nagdala sa kanyang sarili ng kasamaan at mga pagkakasala ng mga tao, tinubos sila, at binigyang-kasiyahan ang hinihingi ng katarungan, Mos. 15:6–9, 18–27. Pumarito si Cristo upang tubusin yaong lahat na magpapabinyag tungo sa pagsisisi, Alma 9:26–27. Paparito siya sa daigdig upang tubusin ang kanyang mga tao, Alma 11:40–41. Ang katubusan ay dumarating sa pamamagitan ng pagsisisi, Alma 42:13–26. Pumarito si Jesucristo upang tubusin ang sanlibutan, Hel. 5:9–12. Tinubos ni Cristo ang sangkatauhan mula sa kamatayang pisikal at espirituwal, Hel. 14:12–17. Ang katubusan ay dumarating sa pamamagitan ni Cristo, 3 Ne. 9:17. Ako ang siyang inihanda mula pa sa pagkakatatag ng daigdig upang tubusin ang aking mga tao, Eter 3:14. Ang Panginoon na inyong Manunubos ay nakaranas ng kamatayan sa laman, D at T 18:11. Nagdusa si Cristo para sa lahat kung sila ay magsisisi, D at T 19:1, 16–20. Tinubos ang mga bata sa pamamagitan ng Bugtong na Anak, D at T 29:46. Isinugo ko ang aking Bugtong na Anak sa daigdig para sa pagtubos ng sanlibutan, D at T 49:5. Si Cristo ang ilaw at ang Manunubos ng sanlibutan, D at T 93:8–9. Nakatanggap si Joseph F. Smith ng isang pangitain ng pagkatubos sa mga patay, D at T 138. Naniniwala kami na sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang buong sangkatauhan ay maaaring maligtas, S ng P 1:3.