Ang mga Banal na Kasulatan      Mga Tulong sa Pag-aaral  | Hanapin  | Mga Opsyon  | Minarkahan  | Tulong  | Tagalog 
I-print   < Sinundan  Susunod >
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Magsisi, Pagsisisi
Ang pagbabago ng pag-iisip at kalooban na nagdudulot ng pangkalahatang bagong saloobin sa Diyos, sa sarili, at sa buhay. Ang pagsisisi ay nangangahulugan na ang isang tao ay tumatalikod sa kasalanan at itinutuon ang kanyang puso at kalooban sa Diyos, napasasakop sa mga kautusan ng Diyos at naghahangad at tinatalikdan ang kasalanan. Ang tunay na pagsisisi ay nagbubuhat sa pag-ibig sa Diyos at isang tapat na hangaring sumunod sa mga kautusan niya. Lahat ng taong nasa gulang ng pananagutan ay nagkasala at nararapat na magsisi upang patuloy na umunlad tungo sa kaligtasan. Sa pamamagitan lamang ng pagbabayad-sala ni Jesucristo ang pagsisisi ay maaaring magkabisa at tanggapin ng Diyos.
Mangagtapat kayo sa Panginoon, Ezra 10:11. Alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa; mangaglikat kayo ng paggawa ng kasamaan, Is. 1:16. Kayo’y magbalik-loob, at magsihiwalay kayo sa lahat ninyong paglabag, Ez. 18:30–31. Magsisi kayo: sapagkat nalalapit na ang kaharian ng langit, Mat. 3:2. Magkakatuwa sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi, Lu. 15:7. Ipinag-uutos ng Diyos sa mga tao na magsisi silang lahat sa lahat ng dako, Gawa 17:30 (2 Ne. 9:23; 3 Ne. 11:31–40; D at T 133:16). Ang kalumbayang mula sa Diyos ay tungo sa pagsisisi sa ikaliligtas, 2 Cor. 7:10. Ang Espiritu ng Panginoong Makapangyarihan ay gumawa ng malaking pagbabago sa aming mga puso, na kami ay wala nang hangarin pang gumawa ng masama, Mos. 5:2. Kung magtatapat siya ng kanyang mga kasalanan at magsisisi, siya ay iyong patatawarin, Mos. 26:29. Pagkatapos ng pangangaral ni Alma, nagsimulang magsipagsisi ang maraming tao, Alma 14:1. Huwag ipagpaliban ang araw ng inyong pagsisisi, Alma 34:33. Itinuro ni Alma kay Helaman ang tungkol sa kanyang pagsisisi at pagbabalik-loob, Alma 36 (Mos. 27:8–32). Ang pagsisisi ay hindi mapapasa mga tao maliban kung may kaparusahan, Alma 42:16. Hayaan na ang iyong mga kasalanan na lamang ang bumagabag sa iyo, sa yaong pangbabagabag na magdadala sa iyo sa pagsisisi, Alma 42:29. Mag-aalay kayo bilang pinakahain sa akin ng bagbag na puso at nagsisising espiritu, 3 Ne. 9:20. Sinuman ang nagsisisi at lalapit sa akin tulad ng maliit na bata, siya ay tatanggapin ko, 3 Ne. 9:22. Magsisi, lahat kayong nasa mga dulo ng mundo, 3 Ne. 27:20. Kasindalas na sila ay magsisi, sila’y pinatatawad, Moro. 6:8. Huwag mangaral ng anuman kundi pagsisisi sa salinlahing ito, D at T 6:9 (D at T 11:9). Anong laki ng kanyang kagalakan sa kaluluwang nagsisisi! D at T 18:13. Ang bawat tao ay kinakailangang magsisi o magdusa, D at T 19:4. Siya na nagkasala at hindi nagsisi ay ititiwalag, D at T 42:28. Siya na nagsisisi at tinatalikdan ang kanyang mga kasalanan ay pinatatawad, D at T 58:42–43. Ang mga patay na magsisisi ay matutubos, D at T 138:58. Naniniwala kami sa pagsisisi, S ng P 1:4.