|
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Likas Na Tao
Isang tao na pumapayag na mahikayat ng mga silakbo ng damdamin, pagnanasa, gana, at damdamin ng laman kaysa ng mga panghihikayat ng Banal na Espiritu. Ang taong ganito ay nakauunawa ng mga pisikal na bagay subalit hindi ng mga espirituwal na bagay. Lahat ng tao ay makamundo, o may kamatayan, dahil sa pagkahulog nina Adan at Eva. Bawat tao ay nararapat na isilang na muli sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Jesucristo upang matigil ang pagiging likas na tao.
Ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu, 1 Cor. 2:14. Ang likas na tao ay kaaway ng Diyos at kailangang alisin, Mos. 3:19. Siya na nagpupumilit sa kanyang sariling likas na kamunduhan ay nananatili sa kanyang pagkahulog na kalagayan, Mos. 16:5 ( Alma 42:7–24; D at T 20:20). Sinong likas na tao ang nakaaalam ng mga bagay na ito? Alma 26:19–22. Ang taong nasa likas na kalagayan o sa isang makamundong kalagayan ay walang Diyos sa daigdig, Alma 41:11. Dahil sa kanyang paglabag, ang tao ay naging espirituwal na patay, D at T 29:41. Ni ang sinumang likas na tao ang makatagal sa harapan ng Diyos, D at T 67:12. At ang tao ay nagsimulang maging makamundo, mahalay, at mala-diyablo, Moi. 5:13 ( Moi. 6:49).
|