Yaman o kasaganaan. Pinagpapayuhan ng Panginoon ang mga Banal na huwag maghangad ng mga kayamanan sa mundo maliban sa paggawa ng mabuti. Hindi dapat pag-ukulan ng mga Banal ang paghahangad ng kayamanan sa mundo bago hanapin ang kaharian ng Diyos, na tumatangan ng mga kayamanang walang hanggan (Jac. 2:18–19).
Kung ang mga kayamanan ay lumago, huwag ninyong paglalagakan ng inyong puso, Awit 62:10. Ang mga kayamanan ay walang kabuluhan sa kaarawan ng poot, Kaw. 11:4. Siya na nagtitiwala sa kanyang mga kayamanan ay mabubuwal, Kaw. 11:28. Ang mabuting pangalan ay maiging piliin, kaysa malaking kayamanan, Kaw. 22:1. Kayhirap na magsipasok sa kaharian ng Diyos ang mga may kayamanan, Mar. 10:23 (Lu. 18:24–25). Ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan, 1 Tim. 6:10. Sa aba sa mayayaman na humahamak sa mga maralita at ang kanilang kayamanan ang kanilang diyos,
2 Ne. 9:30. Hindi inilagak ng mabubuti ang kanilang mga puso sa kayamanan sa halip ay ibinahagi sa lahat,
Alma 1:30. Nagsimulang maging palalo ang mga tao dahil sa mga kayamanan,
Alma 4:6–8. Ang mga tao ay nakikilala sa pamamagitan ng mga katayuan, alinsunod sa kanilang mga yaman,
3 Ne. 6:12. Huwag maghangad ng mga yaman kundi ng karunungan,
D at T 6:7 (
Alma 39:14;
D at T 11:7). Ang kayamanan ng mundo ay sa Diyos upang ibigay, subalit mag-ingat sa kapalaluan,
D at T 38:39.
Mga yaman ng walang hanggan: Kayo’y mangagtipon ng mga kayamanan sa langit, Mat. 6:19–21. Makailan kong tinawag kayo sa pamamagitan ng mga kayamanan ng buhay na walang hanggan,
D at T 43:25. Ang yaman ng kawalang-hanggan ay akin upang ibigay,
D at T 67:2 (
D at T 78:18).