|
ALPABETIKONG TALAAN NG MGA PAKSA
Karunungan
Ang kakayahan o isang kaloob mula sa Diyos upang makapaghatol nang wasto. Nakatatamo ng karunungan ang isang tao sa pamamagitan ng karanasan at pag-aaral at pagsunod sa mga payo ng Diyos. Kung walang tulong mula sa Diyos, ang tao’y hindi magtataglay ng tunay na karunungan ( 2 Ne. 9:28; 27:26).
Pinagkalooban ng Diyos ng karunungan si Solomon, 1 Hari 4:29–30. Karunungan ang pinakapangulong bagay: kaya’t kunin mo ang karunungan, Kaw. 4:7. Siya na nakatamo ng karunungan ay nagmamahal sa kanyang sariling kaluluwa, Kaw. 19:8. Si Jesus ay napuspos ng karunungan, Lu. 2:40, 52. Kung nagkukulang ng karunungan ang sinuman sa inyo, ay humingi sa Diyos, Sant. 1:5 ( D at T 42:68; JS—K 1:11). Sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang inyong matamo ang karunungan, Mos. 2:17. Matuto ng karunungan sa iyong kabataan, Alma 37:35. Ang mga Banal ay makatatagpo ng karunungan at malaking kayamanan ng kaalaman, D at T 89:19. Siya na walang alam ay matuto ng karunungan sa pamamagitan ng pagpapakumbaba ng kanyang sarili at pagtawag sa Panginoon, D at T 136:32.
|